Chapter 82💛

4 0 0
                                    

" COMBINATION OF HAPPINESS AND PAIN "

Andrea's POV

Hindi si kuya, yung girlfriend ni kuya at ang pamilya ko ang nagpumilit na umuwi ako ng Pilipinas, ang sarili ko. Gusto kong magtagal pa dun sa cali, gusto kong mamasyal pa. As you can see, sobra akong nag-eenjoy dun. Ang daming binili ni Blaire para sa akin. Hindi iyon pagpapa-impress para matanggap ko siya, kundi siya mismo ang nagvovolunteer na bibilhan niya ako. I tried na humindi pero mapilit siya eh. Dami ko nang mga damit, dinagdagan niya pa.

Calling Adrian....

It's just ringing. So kailan niya balak sumagot?

( Hello. ) malamig at walang emosyon.

" Si adrian? " tanong ko kaagad.

( Wala siya dito. Anong kailangan mo? ) balik tanong niya. Wait, this voice is familiar.

" Wait, ynah is that you? " nagtatakang tanong ko.

( Oo. Wala dito si adrian. Wag ka nang tumawag, paki-usap. ) pagkatapos niyang sabihin ay binabaan ba naman ako ng telepono. Aba, matapang.

Pero teka, bakit si ynah yung sumagot sa tawag ko? Magkasama ba sila? Tsaka bakit ang tahimik ng buong paligid sa kabilang linya?

Pagkarating ko ng airport, sinalubong ako ng aking mga kaibigan. Mahigpit nila akong niyakap at muntik na akong hindi makahinga.

" Ang dami mong dala. May pasalubong ba kami dyan? " tanong agad ni irish.

" Ofcourse. Kayo pa ba? " natutuwa kong sambit. Sasakyan ni camille ang ginamit papuntang bahay. Doon na ako nag-ungkat ng mga pasalubong ko para sakanila at para sa pamilya ko. Pinadala na din ni kuya sa akin ang pasalubong niya kina mom and dad, at syempre yung pasalubong rin ng girlfriend ni kuya.

" OMG! YSL BAAAGGGG! Sakin ba ito? " sabik na sabik na tanong ni trixy. Hindi ko pa kasi siya nabibigyan. Nasa ilalim pa ata yung sakanya. Natawa ako at binatukan siya, mahina lang yon.

" Nope, this is mine. Binili ito ni blaire para sa akin, yung girlfriend ni kuya. " paliwanag ko.

" Sabi ko sayo, sumama ka eh. " nanghihinayang na sabi ni camille. Napakamot na lamang sa ulo si trixy, at syempre tawang tawa naman ako. Napuno ng tawanan ang salas dahil sa kadaldalan namin.

***

Mag-isa ako ngayon sa kwarto, nakahiga, tinitignan ang mga pictures naming dalawa. Those days we spent. Those moments, and memories. Precious. 

Gusto kong umiyak, humagulgol, kasi baka wala na akong magawa para maibalik pa ang lahat ng iyon, para makapiling pa ulit siya. Sana lahat nauulit.

Gusto kong umuwi ng Silay, gusto kong pumunta doon, gusto ko siyang puntahan doon. Gusto ko siya mayakap ng mahigpit, masilayan ang mga mukha, matignan ng diretso sakanyang mga mata, at mahawakan ang kanyang pisngi. Gustong gusto kong umuwi ng Silay. Sobrang miss na miss ko na siya.

Adrian's calling....

" Hello adrian! " bumangon mula sa pagkakahiga.

( Sorry nga pala kanina, andrea ha. Naiwan ko yung cellphone eh. ) pagpapaumanhin niya.

Ganon ba? Okay lang. Tumawag ako, pero ang sumagot ay si ynah. Nagtataka lang ako kung bakit siya yung sumagot? " tanong ko.

( Ah, ayon ba. Nandito kasi siya kanina. Kaya siya yung sumagot. ) simple niyang sagot.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon