' Getting To Know Each Other Part 1 '
Vincent's POV
Good Morning.
Bumangon na ako kaagad dahil may pasok pa.
Tinext ko si Andrea para naman magising na siya. O gising na siya.
To: Andrea
Good Morning po. Gising na po. May pasok pa. See you.
*sent*
Nakita niyo naman, she gave me her number. Tapos magkaibigan pa kami.
*bzzzt bzzzzt*
From: Andrea
Wow! May taga gising na pala ako araw-araw. Nakakatuwa naman. :)
Napangiti ako sa text niyang yon. Tama yung sinabi ni trixy, kailangan kong ipakita at patunayan sakanya na I'm worth it. Kasi hindi siya basta-basta.
To: Andrea
Syempre. Palagi ko nang gagawin to. Para sayo.
*sent*
Kilala niyo na ba ako? Nabasa niyo naman na pangalan ko hihi.
I'm Vincent Zion Ortega. 19 years old. Pogi ako. Basta pogi. Hahahahaha.
Nandito kami ngayon sa mesa, kumakain. Kasama ko si insan. Nakatira kami sa iisang bahay. Kasama yung pamilya at pamilya ko.
" Insan. Kamusta? " tanong niya.
" Kamusta? Bakit mo tinatanong yan? Araw-araw naman tayo nagkikita. " kunot-noong sabi ko.
" Ito naman. Nagtatanong lang. Hindi na kasi mabilang ang mga ngiti mo kapag nakikita si andrea eh. " natatawa niyang sambit.
" Loko ! " saad ko habang natatawa.
*school*
Pagdating namin ni insan sa school, naisip kong puntahan ang classroom ni andrea. Kaso hindi ko nga pala alam kung saan.
" Insan. Hintayin natin sila sa labas. Di pa sila dumadating eh. Kakatext lang ni Irish. " sabi ni adrian.
Kasama na rin namin ngayon ang tatlo. Si Rjay, Ryan, at Aeron.
Sakto paglabas namin sa hallway, nakita namin ang sasakyan nila. Papuntang parking lot. Pinuntahan naman namin sila at tiningnan.
Isa-isa silang bumaba sa mga sarili nilang sasakyan.
Si Adrian lumapit kay Irish.
Si Aeron lumapit kay Camille.
Si Ryan lumapit kay Trixy.
Ako naman, lumapit kay Andrea.
" Hi Andrea. " bati ko.
" Hello. " nahihiya niyang bati at nahihiya rin siyang tumingin sa akin.
" Hatid na kita sa classroom niyo? " pag-aalok ko.
Ngumiti at tumango siya. Ang ganda niya kapag ngumingiti noh?
Nagpaalam si Trixy at Camille at nakita ko sa ekpresyon ni drey na tutol siya sa pag-alis nung dalawa.
" Punta kaming canteen, drey. " pagpapaalam ni irish.
" So, iiwan mo rin ako? " nakasimangot na sambit ni andrea. Ang cute cute niya talaga.
" Ang arte nito! " umirap si irish saka sila umalis.
Nakapamulsa ako ngayon habang tinitignan siya.
" Tara? " nag-abot ako ng kamay, senyas na humawak siya sa akin.
Nag-alinlangan siya nung una, pero sa huli, hinawakan niya ang kamay ko.
" Saan tayo pupunta? " tanong niya.
" Diba ihahatid kita sa classroom niyo. " nakangiting saad ko.
" Oo nga pala hahahaha. " nahihiya niyang sabi.
Sa paglalakad namin, unti-unti naming nakikilala ang isa't-isa.
Hindi pa pala siya nagkaka-boyfriend.
Kung may chance na maging kami, ako ang magiging first love niya?
" So may chance ako na maging boyfriend mo? " malawak na ngiting tanong ko.
Halatang nagulat siya pero maya-maya ay natawa siya.
" Ilan na ba ang hiningi mo? Ika-tatlo na to. " nakangiting sabi niya. Alam ko nang-aasar lang siya.
" Hindi ito parte ng paghihingi ko, parte ito ng pagkakaibigan natin. Alam kong doon din tayo pupunta. Diba nga, you gave me a chance? " nakangiti kong sabi at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Ayaw kong pakawalan to.
" Uh-huh. " she agree.
Tinignan ko ang mukha niya. Nahihiya pa siyang tumingin sa akin.
Ngayon, dalawang kamay niya ang hinahawakan ko.
" Ang chance na iyon ay iingatan ko at hindi ko pababayaan. Papatunayan ko sayong ako ang karapat-dapat na maging boyfriend mo. Ako lang. " desidido akong maging girlfriend siya dahil siya yung tipo ng babae na ini-ingatan at hindi kailanman pinapabayaan. Nirerespeto. Binibigyan ng halaga. Minamahal.
Sa isang iglap ay ngumiti siya ng malawak. Ngiting masasabi mong natutuwa siya.
" Hindi ako mangangako. Gagawin ko ang lahat. " saka ko binitiwan ang kanyang kamay at saka siya pumasok sa classroom nila na may ngiti sa labi na kahit buong araw ay pwede niya iyong isuot.
Kailangan ko munang dumaan sa mahirap na tulay bago siya mapasaakin. Kailangan kong patunayan ang lahat. Kapag mayroon na akong lakas ng loob para ligawan siya, hindi na magiging mahirap. Baka sa puntong yon, pumayag na siya.
(End of Chapter 11)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantizmThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
