Chapter 20💛

15 0 0
                                    

" I Promise "

Andrea's POV

Nandito ako ngayon sa gilid ng aking kama, naka-upo at sisimulan ko nang basahin ang letter na sinulat ni zion para sa akin.

Dear Andrea my girlbestfriend, Naalala ko nung una kitang nakita. Ang sungit sungit mo noon, at natatakot akong lumapit sayo. Maaaring ngayon ay kumukunot ang noo mo, ngunit hayaan mo muna akong magpaliwanag. Alam mo bang matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo? Matagal ko nang gustong makilala ka at maging kaibigan. Alam mo rin bang araw-araw akong nagdadasal sa mahal nating panginoon na sana balang araw magkakilala tayo. At dahil mahal ako ng panginoon, binigay niya sa akin ang pagkakataong makilala ka. Naalala mo nung nasa simbahan kayo? Nahuli mo yata akong nakatingin sayo kaya tawang-tawa ako nun. Hindi ka mapakali hahahahha. Tapos nung sa plaza, nung nilibre kita tas napakasungit mo pa. Itinago ko talaga ang hiya ko nun, makausap at makasama ka lang. Tsaka alam ko namang naubos mo yung pineapple juice na binigay ko eh. Tapos yung unang pagkikita natin sa canteen. You gave me a chance, masaya na ako nun kahit maliit na bagay lang. Naging mas malalim naman ang naging samahan nating dalawa, at naging masaya ang takbo nun. Alam mo bang palagi kong pinagdarasal sa panginoon na sana maging masaya lang palagi ang pagkakaibigan natin? Walang balak humadlang, walang epal. Hindi ko alam kung bakit napaka-importante mo sa akin. Isang araw kasi, nagising na lang ako na importante ka na pala sakin, bilang kaibigan. Magugulat ka ba kapag sinabi kong crush kita at may gusto ako sayo? Hehe hindi na pala kailangan noh? Kasi alam mo na nung una palang. Unti-unti kong nakikilala ang iyong ugali at hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Ang hinihiling ko lang sa pagkakaibigan natin ay sana maging strong lang tayo , maging masaya palagi, magkasama tayo palagi. If there's one thing I can promise you, yun ay ang hindi kita iiwanan kahit anong mangyari. Thankyou, and I love you, my girlbestfriend. 

                                                                                                                                                             Your Boybestfriend,                                                                                                                                                                Vincent Zion.

Napangiti ako ng napakalawak at may kaunting luha na namuo sa aking mga mata. Tears of joy. Itong lalaki talaga na to.

" Napaka talaga ng lalaking ito. " sabi ko na lamang sa sarili ko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlo kong kaibigan. Hindi ako prepared sa pagpasok nila, tbh. Marunong naman silang kumatok minsan ah.

Nung nakita nila yung letter, inusisa agad nila ako. Nandito nanaman tayo sa 'chismosa thingy' kahit kailan talaga, mga walang hiya ang mga to. 

" Bigay to ni zion. Hindi niyo pwedeng basahin. " taas kilay kong sambit. Ang swerte naman ata nila kung babasahin pa nila. Sumimangot ang mga mukha nila, at napayuko. Akala siguro nila, madadala ako sa paawa effect nila. Wala kayong maloloko dito.

" Tsaka kumatok naman kayo kapag papasok kayo. " masungit na sambit ko.

" Ito kasing si Irish, aalamin daw namin ung ginagawa mo, kaya naisipan namin ito. " paninisi ni trixy. Natawa ako.

" Nabigo naman kayo kasi hindi niyo nabasa to. " sambit ko at napangisi.

" Ang usapan namin, aalamin lang ang ginagawa mo. So, nakita namin kung anong pinagkaka-abalahan mo. " depensa ni cams, tapos bumelat. Hahahhahhaa. Pinagkakaisahan pa talaga ako. Nagkatinginan kaming apat at natawa na lamang.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon