IT'S YOU Chapter 1

227 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 1

Gising na ang diwa ko, pero ayaw ko pang dumilat at bumangon, tumagilid ako sa pagkakahiga at binalot ang buong katawan ko sa isang makapal na kulay white na kumot. Pinag cross ko ang mga kamay ko at bumaluktot. Narinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko... agad akong napangiti kahit nakapikit pa at nananatili sa ganoong posisyon.

Naramdman ko ang pag upo nya sa gilid ng kama ko... dumilat ako habang nakangiti pero di parin ako gumagalaw.

"Lazarus?"

Mahinahon nyang sabi...

Sya nga! Agad kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin at agad na umupo.

"LOLO!!"

Na-ngilid agad ang luha ko ng makita ko sya, agad akong lumapit sa kanya at mahigpit syang niyakap.

"Lolo! Na-miss kita sobra!" teary eyed pang sabi ko.

"ang bakla mo talaga! iiyak ka pa yata? Eh halos Isang buwan lang naman akong nawala ah?"

Humiwalay ako sa kanya at agad syang hinarap. nakaupo parin sya sa kama ko at ganun din ako. Bahagya akong nainis sa sinabi nya kaya sinuntok ko sya sa braso nya ng marahan.

"sa gwapo kong 'to?"

Nag pogi sign pa ako sa harap nya sabay ngiti. Natawa nalang sya sa ginawa ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"ano Lo? Kumusta ang Hawaii? Madami bang chiks? Asan pasalubong ko? Kailan ka lang dumating? kanina?"

Bahagya pa syang natawa sa mga sinabi ko.. lalo akong dumikit sa kanya sabay akbay sa kanya.

"ang Hawaii? Maganda, ok lang nakapag relax ako, ang ganda ng view ng mga beach dun, lalo na sa Oahu yung tinatawag nilang the gathering place ang ganda dun promise! madaming chiks!"

Nag ngiting aso si lolo sa huli nyang sinabi. Sinimangutan ko lang sya.

"maimot ka talaga! bakit kasi di mo ako sinama? Madami sana akong nakilalang mga magagandang babae dun.. ano? May nakilala ka ba? Maganda ba? Mag kwento ka naman lo!" pagbibiro ko pa.

55 years old na yung lolo ko, lolo ko sya sa mother side... at sa buong pamilya, dito sa bahay, sya ang nagbubukod tanging bestfriend ko. Close na close kami dahil narin siguro sa mga similarities namin at mga hilig namin. Singkit sya na medyo makapal yung kilay, maputi.

Mag sing height lang kami 6'0. At kahit may edad na, parang bata parin sya kung pumorma. Mahilig syang mangbabae kahit may edad na, yun yung naging libangan nya magmula nung mamatay na si lola 5 years ago. Yun naman kasing si lola mahal na mahal nya, masyadong syang nasaktan sa sinapit ni Lola pero mabilis din namang naka move on. At magmula ng naka move on sya... puro casino, babae at bar ang pinagkaabalahan... mahilig ding mamasyal, mahilig lumabas ng bansa... tulad nito, kagagaling lang nya sa Hawaii, nagkayayaan daw sila ng mga barkada nya.

Si Lolo ay isang Detective dito sa South Korea. Bukod sa pagiging Entrepreneur, isa din sa mga naging pangarap nya ang maging isang Detective. Matalino sya at masipag kaya naman dalawang beses nagaral ng College upang matupad ang mga nais sa buhay. Bukod sa mga sikat na Hotels sa iba't ibang panig ng bansa, pagaari din namin ang isang sikat na Hospital dito sa Gangnam, tapos hindi parin nya binibitawan ang pagiging isang Detective.

Si Lolo ang nagpatunay sa akin na possible ang lahat ng bagay na nais mo kung talagang masikap ka lang.

Bahagya pa syang nagulat sa sinabi ko.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon