IT'S YOU Chapter 42

24 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 42

Pretty Lalaine's POV.

Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Tim.. napatingin naman sya sa akin at agad ding iniwas ang tingin.

So balak nyang sabihin kay Alie yung... yung tungkol sa secret ni Lazarus?... nakaramdam ako ng matinding galit sa kanya.

Bakit? 'Di ba magkaibigan sila ni Lazarus? Ano 'to? Balak nyang trahidorin yung kaibigan nya? wala syang karapatang sabihin 'yun!... hindi pwedeng sa kanya nalang basta basta manggaling yung sekretong 'yun.. ang sama sama na talaga ng tingin ko sa kanya.

"saglit lang bes ah.. kausapin ko lang itong si Tim."

Singit ko sa paguusap nilang dalawa.

Agad kong hinila si Tim sa braso nya.. ng sobrang higpit. wala akong pakealam kung masaktan sya ginagawa ko.

"ARAY PRETTY NASASAKTAN AKO!"

Dinig kong sabi nya.. nang malayo na kami kay Alie huminto kami sa isa sa mga bench sa harap ng Math park. Hinawakan ko yung magkabila nyang balikat ng madiin. Then I drag him para mapaupo sya sa bench. Tumayo lang ako sa harap nya habang nagc-cross arms.. ang sama ng tingin ko sa kanya kaya napapaiwas sya ng tingin sa akin.

"Buti nalang pala at dumating agad ako.. kasi kung hindi.. mage-ending na pala nang wala sa oras ang storyang 'to." Nailing iling ko pang sabi sa kanya.

"tingnan mo ako."

Sabi ko sa kanya.. dahan-dahan naman nya akong tinignan.

"akala ko ba kaibigan ka ni Lazarus?.. 'wag mo naman syang unahan sa pagsasabi ng totoo kay Alie.. hayaan natin na sya mismo yung magsabi sa kaibigan ko kung ano ba talaga yung totoo.. buti nalang napigilan kita... baka mag away pa kayo ni Lazarus kung sakali."

Napasimangot naman sya sa akin.. tapos yumuko sya at tumingin sa mga daliri nyang nilalaro laro pa nya.

"sa ginagawa kasi ni Lazarus.. Masasaktan lang nya si Alie sa huli.. kapag nagtagal pa yung bagay na ito.. mas lalong kukumplekado yung situation ng dalawa.. tinutulungan ko lang naman sya kasi alam ko namang nahihirapan syang aminin kay Alie yung totoo.. kaya naisip ko na kung hindi nya kayang sabihin kay Alie ang totoo.. ako nalang ang gagawa."

Napa singhap naman ako sa sinabi nya..

"concerned ka ba talaga kay Alie?... wala ka talagang utak Tim!.. sa tingin mo kung natuloy yung sinabi mo kanina hindi masasaktan si Alie? Mas lalo syang masasaktan kasi nalaman nya nga yung totoo, sa ibang tao naman.. hayaan mong si Lazarus ang magsabi matanda na 'yun.. at alam ko namang kaya nyang sabihin ang totoo... alam nya ang ginagawa nya."

Nabigla naman ako ng bigla nya akong tingnan ng masama.. kaya medyo napaatras pa ako ng isang hakbang papalayo sa kanya..

"subukan lang nyang masaktan ng sobra si Alie... hindi ako magdadalawang isip na patulan sya kahit kaibigan ko pa sya.."

"T-tim m-masasaktan naman talaga nya si Alie dahil sa mga ginawa nya—"

Naputol na ang mga sasabihin ko ng bigla syang tumayo.. naka close fists na sya ngayon at halatang galit sya..

"ang sabihin mo, engot si Lazarus!.. kung talagang matapang sya at kaya nyang paibigin si Alie. hindi nya itatago yung tunay nyang pagkatao kay Alie! Pretty... kapag nagtagal pa ang pagsisinungaling nya kay Alie.. hindi ko maipapangako sa sarili kong kaya kong manahimik nalang.. magalit na sya sa akin kung magalit.. wala akong pakealam.. deserved malaman ni Alie ang totoo."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon