IT'S YOU Chapter 39

18 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 39

Nathalie Kim's POV.

Sa wakas at natakasan din namin ni JB yung Guard... ang bilis nga nyang tumakbo eh... buti nalang mabilis din kami ni JB..

Nandito na nga pala kami sa harap ng gate ng bahay namin at tawa parin ng tawa dahil sa nangyari kanina.

"nakita mo ba 'yun? Nadapa pa sya kanina nakakatuwa!"

Sabi ni JB na halos hawak na yung tiyan kakatawa..

"kawawa nga eh.. binato mo pa ng Ballpen sana di tayo namukhaan."

Natatawa tawa ko pang sabi... maya maya lang ay kumalma na din kami..

"sige na pasok ka na sa loob... uuwi na din ako.."

"salamat sa paghatid... ingat ka.."

"oo alam ko naman... sasagutin mo pa ako 'di ba?"

Natawa nalang ako sa kanya..

Tinapik na lang nya yung ulo ko tapos ay umalis na... hinintay ko lang syang maglakad papalayo hanggang sa hindi na sya matanaw ng mga mata ko...

Nakangiti akong pumasok sa bahay...

Bago ako makapasok ay nakita ko si Darius na umiiyak. Nakaupo lamang sya sa harapan ng pinto at magkadikit ang mga tuhod nya at nakatakip yung mukha nya gamit yung mga braso nya na nakapatong sa tuhod nya. agad ko syang pinuntahan at lumapit sa kanya.

"b-bakit? Anong nangyari?" nagaalala kong tanong sa kanya habang tinatapik-tapik pa ang likod nya. agad syang nagangat ng ulo at tiningnan nya ako. basang basa ang pisngi nya ng luha.

"Ate.. si Mama at Papa.." umiiyak na sabi nya. kinabahaban ako sa sinabi nyang iyon.

"a-ano ang nangyari sa kanila?" nanlalaki ang mga matang tanong ko pa sa kanya.

"n-nagwawala si Papa. Galit sya!" sabi nya habang tinuturo pa ang loob ng bahay. Agad akong pumasok sa loob ng bahay.

Ng makapasok ako napansin kong gulo gulo ang bahay... may nakakalat na basag na bote ng beer.. punit punit na dyaryo... basag na plato, nagkalat yung mga damit yung mga kasangkapan, nakatumba yung TV namin, gulo gulo yung mga sofa, mga bangko... basta ang dumi..

Agad akong kinabahan at tumakbo malapit sa sala... Nakita ko si Mama na nakasalampak sa sahig at nakatingin sa kawalan... habang lumuluha... gulo-gulo yung buhok nya ang dumi ng suot nyang damit naka apron padin sya... agad ko naman syang nilapitan at niyakap..

Naiiyak na ako..

"Ma!... anong nangyari Ma? Bakit ganito yung bahay?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan yung magkabila nyang balikat yumuko lang sya at humagulgol sa pagiyak niyakap ko ulit sya..

"Ma bakit ka umiiyak sabihin mo? Ma! Kinakabahan na ako ma kausapin mo ako.."

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at naglakad papunta sa bintana tumalikod sya sa akin..

"t-tanongin mo dyan sa Papa mo!"

Umiiyak parin nyang sabi sa akin habang pinupunasan nya yung mga luha nya..

Napatingin naman ako kay papa na naka upo sa isang sofa na gulo gulo din ang buhok... halatang frustrated sya, nakatulala, naka uniform parin sya ng pang trabaho nya, lumuluha din sya kahit nakatulala lang, may hawak din syang bote ng alak na tinutungga nya matapos ay tutulala parin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon