IT'S YOU Chapter 45

15 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 45

Prince Lazarus's POV.

Sa gitna ng pagmumuni ko sa loob ng aking kwarto. Biglang sumagi sa isipan ko yung sobre na binigay sa akin ni Alie kanina bago ako umalis ng bahay nila. At ang sabi nya ibigay ko daw ang sulat na iyun kay Lazarus. Galing daw ang sulat kay Cassandra. So ibig sabihin, para sa akin ang sulat na iyon. Para saan naman kaya ang sulat na ipinabibigay ni Cassandra para sa akin? Bigla kong naalala si Cassandra.. kahit pala nagbago na sya.. hindi parin sya nakakamove on sa akin... kailan kaya sya magigising sa katotohanan?.. hindi sya ang babaeng gusto ko.

Agad kong hinanap ang sobre sa Bag ko at binasa ang nakasulat sa likod nito.

PARA SA BABAENG MINAMAHAL KO NG PALIHIM... NHATALIE KIM.

--MIT

Napakunot noo nalamang ako sa nabasa ko. mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ang nilalaman ng sulat na ito.

Sigurado ba talaga si Alie na para sa akin ang sulat na ito? Sigurado ba talaga sya na pinabibigay sa akin ni Cassandra ang sulat na ito? At... may admirer si Alie? Hindi nya yata nabanggit ang bagay na ito sa akin...

Kailangan kong alamin kung bakit gustong ipabigay ni Caz ang sulat na ito sa akin..

Agad kong binuksan ang sobre at binasa ang nakasulat doon.

Dear Alie,

May nakapagsabi sa akin na nagustuhan mo daw yung Life size na teddy bear na binigay ko sa 'yo, tsaka ang saya ko kasi nagustuhan mo din daw yung Chocolates na binigay ko... salamat naman at nagustuhan mo.

I think curious ka na kung sino ba talaga ako.. kaya naisip ko na magpakita na sa iyo... para naman malaman mo na kung sino ako..

Pumunta ka nalang sa rooftop sa school.. 6:00 p.m sa Friday this week. Please be there.. marami akong surprises na inihanda para sa 'yo..

Your Secret Admirer,

MIT.

Mit?? Mit ha? Chocolates? Life size na teddy bear?.. Seriously? Sino ba itong MIT na 'to? Masasapak ko sya once na makilala ko kung sino sya.. bigla akong nakaramdam ng inis...

Para kay Alie ang sulat na ito.. at galing sa secret admirer nya.. pero ang pinagtataka ko.. bakit gustong ipabigay sa akin ito ni Cassandra?. At bakit hindi ko alam na may Secret Admirer si Alie?

Kailangan kong malaman kung sino ang MIT na 'to..

Pero nagtataka lang ako kasi.. pamilyar talaga yung penmanship ng sumulat eh.. ang alam ko talaga may kilala akong ganito ang itsura ng sulat...

I'm sure naman na nabasa na ito ni Alie.. pupunta ako sa Rooftop, 6:00 P.m sa school nitong Friday.. lagot sakin ang MIT na 'yun!

"Basahin mo na lang kaya sa chat box mo?... tinatamad akong magkwento eh."

Padabog syang umalis sa kwarto ko at malakas na sinarado ang pinto. Kahit kaolan talaga ang bata na 'yan. Tsk.

tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa TV. Sobrang dalang dala na kasi ako sa kdrama na pinanonood ko.

Biglang nag ring ang phone ko. mabilis kong inabot 'yun sa tabi ko na nakapatong lamang sa unan ko. napangiti nalamang ako ng Makita yung screen ng cellphone ko.

Tumatawag si Ron!

Lumipas ang dalawang buwan at aaminin kong hindi ko natiiis ang sarili kong hindi Makita si Ron. Parang binabawi ko na nga ang mga sinabi kong dapat ay kalimutan ko na sya. Pero mismong itong puso ko ang labag sa desisyon kong iyon kaya hirap talaga akong kalimutan sya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon