IT'S YOU Chapter 76

19 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 76

Prince Lazarsus's POV.

"drunk? Are you insane? Kalokohang dahilan 'yan, kahit lasing ka alam mo kung ano ang ginagawa mo. Tama na sa mga palusot. Hindi na ako interesadong marinig pa ang mga walang kwentang explanation mo... hindi ka tunay na lalaki! minahal ka ng kaibigan ko, nagtiwala sya sa 'yo tapos ganito ang igaganti mo sa kanya? sa tingin mo ka-forgi-forgiven ka? Ha? Yung nangyari sa inyo ni Cassandra nang gabing 'yun, masakit 'yun para sa kanya. huwag ka ng umasang babalikan ka pa nya. ok?"

"walang nangyari sa amin ni Cassandra that night. Sana naman maniwala ka sa akin." sabi ko sa kanya.

"tsk. May video. Sapat nang ebidensya 'yun para paniwalaang umabot pa sa mas malala ang nagawa nyo noong gabing 'yon." Naiinis ng sabi nito.

Mabilis na tumakbo si Tim sa aming dalawa.

"mahal ko ang bestfriend mo. Kahit 'yun man lang sana ay paniwalaan mo. Hindi sana maging mahalaga sa iyo kung ano yung mga kasalanang nagawa ko sa kanya, maging mahalaga sana sa iyo yung kung ano yung ngayon at hindi yung nangyari sa nakaraan. Ayokong mawala si Alie sa akin kaya hindi ako susuko hangga't hindi nya ako napapatawad."

"gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, bahala ka na sa buhay mo." Galit na sabi nya sa akin matapos ay umalis na sa aking harapan.

"hayaan mo na nga sya, Kay Alie ka dapat hihingi ng tawad. At hindi sa kanya." ang agad na sabi ni Tim sa akin. Napabuntong hininga nalamang ako habang pinagmamasdan si Maurice na naglalakad papalabas ng court.

"alam kong naapektuhan din sya sa nangyari kay Alie, dapat ay humingi din ako sa kanya ng kapatawaran."

"kung sa bagay, ang alam ko ay dating manliligaw 'yun ni Alie, siguro nung matanggap nya na hanggang magkaibigan lang talaga sila ay itinuring nalang nya si Alie bilang isang kapatid. Kaya siguro ay tama lang na humingi ka ng tawad sa kanya." napapaisip na sabi pa ni Tim.

Napagdesisyunan na namin ni Tim na magpunta sa Locker room para makapag shower na. matapos naming maligo at magbihis ay sabay kaming nagayos ng mga gamit namin sa aming bagpack. Nakaupo kami sa isang mahabang bangko na nakalagay malapit sa locker ng mga players.

"sasabay ako kay Oscar sa paguwi. Ikaw?" ang sabi sa akin ni Tim habang inaayos ang mga damit sa kanyang bag pack.

"si Oscar?" kunot-noong sabi ko sa kanya. "nandito pa sya?"

"oo.. ngayon narin kasi nagstart yung training nila sa badminton, malamang tapos narin 'yun. Ano sabay ka?"

"hindi tayo kasya sa motor nya, ikaw nalang." Napapangiting sabi ko sa kanya.

"sigurado ka?" ang tanong nya habang tumatayo at isinusukbit ang kanyang bagpack. Tumango nalamang ako bilang sagot.

"kung ganoon, mauna na ako sa 'yo, bukas nalang ulit. Magiingat ka. magaral ka pag dating mo sa bahay.. sa Friday na ang NCSAT natin." Nakangiting sabi nito matapos ay lumabas na ng pinto. Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay sinukbit ko na ang aking bag matapos ay lumabas narin.

Ng mapadpad ako sa hallway ng school ay madilim na ang kalangitan pati narin ang paligid. Tanging ang ilaw lamang sa bawat poste ng hallway na aking dinaraanan ang nagsisilbing liwanag sa aking nilalakaran. Hawak ko ang aking cellphone at nag type ng text kay Alie.

Hi. Nag dinner ka na?

Matapos ay agad itong sinned sa kanyang number. Tumagal na ng sampung Segundo ang text ko sa kanya ngunit wala akong nareceived na replay mula sa kanya. napasimangot nalamang ako habang ibinubulsa ang aking cellphone sa bulsa ng aking shorts.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon