IT'S YOU Chapter 20

21 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 20

Nathalie Kim's POV.

"teka nga, bakit puro grade 12 lang ang maglalaban laban?" takang tanong ko sa kanya.

"ganito kasi 'yan, magkakaroon din ng Pageant yung grade 10 at 11. Tapos kung sino yung manalo doon ay maglalaban laban at kung sino yung manalo sa overall 'yun yung magiging Mr and Ms. Joongdong." Napatango nalang ako kay Pretty matapos maintindihan ang lahat.

Kaya sinimulan na nya akong i-ensayo, sabi ko sa kanya ay doon nalang sa bandang dulo ng Building namin gawin dahil nahihiya ako at baka may makakita sa amin, sinunod din naman nya ako. Dumaan kami sa harapan ng room nila JB pero wala ng tao pa sa loob ng classroom nila, nasaan kaya sya?

sa pinaka dulo kami nagpunta.

"ok, gusto kong Makita kung paano ang pag rampa mo. Dali rampa ka na. tsaka kita ic-correct sa mga mali mo kapag nakita ko na kung paano ka maglakad. Ok?" nag ok sign sya sa akin. Ginaya ko lang sya at ngumiti. Nagsimula na akong rumampa gaya ng sinabi nya, naglakad ako magmula dulo hanggang sa corridor ng huling huling classroom sa tabi ng classroom nila JB matapos ay bumalik ulit sa kanya.

Pumalakpak sya matapos kong gawin ang inutos nya.

"ang galing galing mo naman! Hindi na yata kita kailangang turuan sa pagrampa eh, may experience ka na ba sa mga ganitong klaseng Pageant?" bilib na tanong pa nito sa akin.

"actually first time ko ito." natatawang sabi ko pa sa kanya. nagpayo pa sya ng kaunti sa akin at sinabi yung mga techniques na alam nya hanggang sa natapos kami sa pagtuturo nya sa akin.

"teka, ano naman ang talent na gagawin ko? third week na iyon ng month na ito. kailangan ko ng paghandaan." Sabi ko pa sa kanya habang naglalakad lakad kami sa 5th floor ng building ng school.

"I'm think kumanta ka nalang habang naggigitara dahil magaling ka naman sa bagay na iyon. Pero... mas maganda siguro kung sasayaw ka."

Sabi pa nya sa akin.. nagisip isip pa kami hanggang sa napapayag nalang nya akong magsayaw, magiging madali naman daw iyon dahil handa daw njya akong turuan... sa bagay.. member nga pala sya sa Dance crew.

"kinakabahan ako... sino naman kaya ang makakalaban ko sa ibang section?"

"hindi ko rin alam actually.. pero nabanggit sa akin ni Oscar kanina ng magpunta kami sa office ay kasali nanaman daw si Cassandra... sya nanaman yung representative ng section III.. tapos ang representative sa Section II sa lalaki si Tim Tim.. 'yun lang ang alam ko the rest hindi na."

"si Tim? B-bkit sya? Bakit hindi si.. JB?"

Nalungkot agad ako... bakit hindi si JB ang representative nila? Ok naman sya ah, tsaka isa pa kaya nga ako sumali para kung sakaling sya ang representative ng section II pagbubutihan namin para kami ang manalong dalawa at maging representative ng buong grade 12 sa overall. Sayang naman.

"bakit ayaw mo ba si Tim?" takang tanong naman nya sa akin.

"hindi naman ganoon, pwede naman talaga syang maging representative dahil pasok na pasok naman talaga sya sa qualifications... nagulat lang ako dahil ang expected ko talaga ay si JB ang representative ng section nila."

Halatang may iniisip si Pretty bago sya nagsalita.

"ewan... nagsasawa narin siguro sya! Sya kasi yung naging representative ng section II magmula grade 10 pa kami kaya posibleng binigay nalang nya sa ibang classmate nya yung slot." Paliwanag pa nya sa akin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon