ITS YOU Chapter 105

12 1 0
                                    

ITS YOU Chapter 105

Nathalie's POV.

Ng makalabas ako ng ICU ay nagpaalam na ako kay Kat at sa yaya nya.

Habang naglalakad ako sa lobby papalabas ng Hospital ay hindi ko parin mapigilang mapagisip dahil sa mga nangyari kanina.

Kung sa tutuusin, pwede ko namang payagan si Kuya Celso sa gusto nyang gawin. Kung 'yun lamang yung paraan para makatulong ako sa kanya why not 'di ba? Tsaka isa pa wala pa naman akong boyfriend.

But the case is, mahal ko na si Lazarus. At alam kong mahal nya rin ako. kaya kung mahal namin ang isa't-isa. Dapat wala na akong iba pang dini-date.

Napapakamot nalamang ako sa ulo habang naglalakad.

Ngunit napahinto ako saglit ng may bigla akong naalala.

"what if kung bisitahin ko si Brandon?" tanong ko sa aking sarili. Dito din kasi naka-confined si Brandon kaya naman nagdalawang isip ako.

Saglit pa akong natigilan at nagisip.

"nandito na ako sa Hospital. Susulitin ko na." napapabuntong hininga na sabi ko habang bumabalik sa aking nilakaran.

Sumakay ako sa elevator dahil sa 7th floor naka-confined si Brandon.

Hanggang ngyon ay hindi parin sya nakakalabas sa Hospital at unconscious parin. Ang sabi ng Doctor nung huli namin syang dinalaw ng mga kaibigan ko, malapit sa spinal cord ang tama ng baril sa kanya kaya naman medyo naapektuhan ang katawan nya, buti nalang at hindi na-damage ng ganun kalala yung spinal cord nya. according parin sa Doctor, anytime pwede na syang magising.

At kung tatanungin nyo ako kung bakit ko dadalawin ang isang 'yun. Dahil sa kadahilanang gusto ko lang syang Makita. 'Yun lang. gusto kong malaman kung ano ang lagay nya o kung may nangyari ba nung mga araw na hindi namin sya pinupuntahan ng mga kaibigan ko.

Ng makalabas ako ng elevator ay agad kong tinungo yung room ni Brandon. Ng makarating ako sa mismong harap ng pinto ay nagtaka ako kung bakit walang mga police at detectives na nagbabantay sa harap ng pinto.

Kinutuban ako. nakaramdam ako ng matinding kaba habang nakatitig sa pinto. Muli kong chinek kung si Brandon pa ba yung gumagamit ng kwarto sa pamamagitan ng pangalang nasa gilid ng pinto. Ngunit pangalan parin ni Brandon ang nakalagay doon kaya naman labis akong nagtaka kung bakit wala yung mga police.

Huminga ako ng malalim bago hawakan ang door knob. Marahan kong binuksan ang pinto.

Halos mapatakip ako ng aking bibig at manginig ang aking mga tuhod ng makitang may dalawang pulis na nakahandusay sa sahig at walang malay. Sa aking palagay ay hindi pa sila patay.

Agad kong pinagmasdan ang buong paligid. Wala na si Brandon sa kama nya, wala sya sa kung saan.

May narinig akong nagr-ring na phone at nagmumula iyon sa bulsa ng uniform ng police. kahit natataranta ay nagmamadli ko itong kinuha sa kanyang bulsa at sinagot.

"h-hello?" nanginginig ang tono ng aking pananalita.

"hello? Huwag nyong hayaang makatakas si Brandon. Malapit na kami dyan nasa harap na kami ng Hospital! Nababantayan na ang lahat ng labasan ng Hospital."

Mukhang mga police din ang nasa kabilang linya. Sa tingin ko ay naireport na nila ito sa station, maaaring kani-kanina lamang nangyari ito kaya posibleng nakalayo na si Brandon. Nagmamadali akong naglakad papunta sa pinto.

Ngunit nahinto ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng CR. Mas lalo akong kinabahan. At dahil nasa bandang likod ako ang Cr ay hindi ko agad nakita kung sino ang lumabas mula roon.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon