IT'S YOU Chapter 97

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 97

(PAALALA! KARAHASAN CONTENT, BAWAL GAYAHIN.)

Nathalie Kim's POV.

"tumabi kayo!" sigaw ni Lazarus.

Lahat kami ay humakbang papalayo sa kanya. buong pwersa nyang hinampas ang window ng bus gamit ang iron pipe na hawak ni Tim kanina. hindi kami nabigo dahil tulad ng inaasahan ay nabasag ang salamin sa bintana.

Medyo malawak ang bintana kaya naman kung bababa kami isa-isa ay magkakasya kami. Maingat pang tinanggal ni Lazarus ang iilang bubog na nakapatong sa bintana na maaari naming maapakan pag lalabas na kami.

"ganito ang plano guys. Mauuna akong tatalon sa baba, tapos yung tatlong girls na ang isusunod para maalalayan ko sila." Ang sabi ni Oscar sa aming lahat.

"wait lang, paano si Tim? May sugat sya at hirap makalakad." Tanong ni Pretty.

"kaming dalawa nalang ni Tim ang mahuhuli para maalalayan ko sya sa pag-tung-tong sa bintana, alalayan nyo nalang sya sa pagtalon. Ok?" ang sabi pa ni Lazarus.

Sumang-ayon ang lahat sa plano ni Lazarus at Oscar. Nagsimula ng kumilos si Oscar at pumwesto sa harapan ng bintana. "guys make it quick as possible ok?" paalala pa nya sa amin matapos ay tumalon na sya mula sa bintana hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng bus.

Matapos kong talian ang sugat ni Tim ay tiningnan namin si Oscar na nasa labas na ngayon.

"Honey! your next, kaya mo 'yan." Ang sabi nya kay Pretty mula sa ibaba. Huminga ng malalim si Pretty habang pumwe-pwesto sa harap ng bintana. Mahina sya bumilang ng 1 2 3 matapos ay tinalon nya mula bintana hanggang sa labas. Nagtangumpay silang dalawa na makalabas.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Cassandra. "ikaw na ang mauna.." ang sabi ko pa habang tinuturo ang bintana.

Naghalf smile sya matapos ay naglakad lamang papunta sa harap ng pinto. Hindi pa sya makatingin sa akin ng maayos. Aakyat na sana sya sa bintana ngunit nahinto sya at biglang tumingin sa amin. nakakunot noo sya.

"guys narinig nyo ba 'yun?" nagtatakang tanong pa nya habang nakatingin sa aming tatlo.

"ano? Ang alin?" takang tanong din ni Tim.

Tumahimik kaming lahat na nasa loob ng bus.

Halos lahat kami ay nagkatinginan ng may marinig na sound na parang may nagpu-pukpok sa bakal, sound like may nagpupukpok ng metal sa metal dahlilan para lumikha ng ingay.

"d-dito ba sa loob galing 'yun?" takang tanong ni Lazarus habang lumilingon lingon pa sa paligid.

Hindi huminmto ang sound na naririnig namin.

"saan ba galing 'yun?" takang tanog ko. napalingon ako sa bandang dulo ng bus, yung part na hindi na inaabot ng liwanag ng ilaw.

Marahan akong naglakad ng dalawang hakbang papalapit doon. Mukhang tama nga ang hinala ko na doon galing ang sound. Halos lahat kami ay napatingin na sa area-ng iyon ng bus dahil doon nanggaling ang tunog.

"Guys Hurry up! kailangan na nating makaalis dito!" dinig pa naming sigaw nila Oscar at Pretty mula sa labas.

Dahil sa madilim ang parting iyon ng bus ay wala kaming Makita kaya hindi namin alam kung sino o ano ang gumagawa ng ingay na iyon.

Nanlaki ang aking mga mata at biglang lumakas ang tibok ng aking puso, ang pakiramdam ko kanina na sobrang natatakot ay nanumbalik nanaman sa mga oras na ito. posible kayang may tao sa dulong iyon?

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon