IT'S YOU Chapter 35

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 35

Cassandra Kate's POV.

Maga ngayon.... Oo. Maga ngayon as in morning. Nasa school ako. Nakaupo sa isa sa mga benches sa harap ng math park. Umiiyak ako. Ok lang naman na umiyak ako kasi wala namang students na nandito sa ngayon. Malayo ito sa mga school buildings, at kahit makita nila ako wala naman akong pake doon. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Mag sasawa din naman sila.

Hindi ko pinupunasan yung mga luhang pumapatak mula sa mga mugtong singkit kong mga mata. Simula pa kasi ka-gabi iyak na ako ng iyak. Dapat nga kasi hindi ako papasok dahil alam ko namang iiyak lang din ako dito. Eskwelahan ito. Dapat nandito ako para mag aral. At hindi para umiyak. Pero wala naman kasi akong ma-gagawa. May long quiz kami ngayon sa tatlong subjects. Calculus pa yung isa.

Marami akong naging mali sa kanila. Masyado akong naging kampante. Akala ko wala akong nasasaktan sa kanila. Anong magagawa ko? Tao lang din naman ako. Nag kakamali. Sabi ni Daff. Sana mahanap ko na daw kung sino talaga ako. Well paano kung ganito nga talaga ako?

Hays.. oo nga pala nakalimutan ko. Hindi ako ganito. Hindi ako ito. Hindi ako yung Cassandra na laging nagm-makeup, maarte, masungit, walang ginagalang, walang kinatatakutan. Hindi naman talaga ako ito. Tama nga sila masyado ng malaki ang pinagbago ko. Ako kasi yung Cassandra na dapat eh. Nerd, nakakasunod sa klase, yung tipong laging nagh-highest sa mga quizzes and exams, mahinhin, walang pakielam sa lovelife......

patuloy pa rin ako sa pagluha.

"marami akong naging mali na naging desisyon sa buhay ko. Hindi ko man lang naisip sa huli na ganito yung maaaring maging kahantungan ko. nakakainis! Nasaktan ko sila. At ngayon wala na akong kaibigan. Wala na. mag isa nalang ako. Kasalanan ko nga."

Mahinang sabi ko sa sarili ko. Yumuko ako at tumingin nalang sa mga maliliit na damo na nakatanim malapit sa paa ko na kung nag sasalita lang sila eh kanina pa siguro ako sinigawan dahil kanina ko pa sila sinisipa ng malakas. Kawawang damo! Ikaw pa ang napagtrip-an ko.

Kailangan ko ng kausap. Ayokong mag isa. Kailangan ko ng taong makakaintindi sa akin ngayon. Kailangan kong sabihin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ganito pala yung feeling ng wala kang kaibigan na pwede mong lapitan para sabihin mo yung nararamdaman mo. Mahirap!

Habang nagiisa ay isip ako ng isip kung sino yung taong pwedeng makausap sa mga oras na ito..

Hindi ko naman kasi pwedeng kausapin si Lazarus dahil galit sa akin 'yun. Hindi ko pa nga sya nakakausap after naming mag break. Eh kung si Brandon nalang kaya yung kausapin ko?.... ay hindi mali. Pervert 'yun ayoko sa kanya. Kung si Daddy kaya?.... errrrr hindi din pwede. Galit sa akin 'yun dahil sinermunan ako at nalaman yung ginawa namin nila Brandon kay Nathalie. Kaya 'yun. Grounded ako. Walang cellphone o kahit anong gadgets, bawas yung allowance, bawal din mag mall. Hindi ko na lang din nasagot si Dad kasi nga mali ako. At isa pa wala akong gana sa mga oras na 'yun dahil nga kila Daff. Eh kung si Miko? Ok naman kami noon dahil mabait naman sya....... Pero 'wag nalang, baka maistorbo ko pa yung pag aaral nun....

Mukhang it's just me myself ang I ang drama ko ngayon ahh?... sino ba kasi ang pwede kong makausap? sino?

Nathalie Kim's POV.

Habang break time ay sinamantala ko ang pagkakataon.. kasalukuyan akong naglalakad sa pathway ngayon papuntang math park. Kailangan ko kasi ng tahimik na ugar para makapagbasa ng mga notes ko. si Pretty naman ay abala sa report presentation nya mamaya.nasa library sya ngayon, naisip ko na kapag sinamahan ko sya ay baka ma-destruct ko lang sya. Kaya humiwalay nalang ako.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon