IT'S YOU Chapter 53

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 53

Nathalie Kim's POV.

Natapos ang klase namin maghapon. Si Pretty naman ay kasama muli ni Oscar at nasa office muli sila upang gampanan yung tungkulin nila as a part of student council. Halos lahat ng classmates ko ay umuwi na. nagprisinta na akong maglinis ng room dahil malapit lang naman ang bahay namin.

Matapos kong maglinis ng boung room ay nagayos na muna ako matapos ay lumabas na ng room. Saktong paglabas ko ng room ay nakita ko si Cassandra na naglalakad sa corridor. Napahinto sya at napatitig sa akin ng Makita nya ako. natigilan ako sa aking ginagawa at tumingin lang din sa kanya. mabilis na naipon ang mga luha nya sa kanyang mga mata ng Makita nya ako. siguro ay hanggang ngayon ay nasasaktan parin sya dahil sa nangyari.

Galit parin kaya sya sa akin? Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Mabilis na tumulo ang mga luhang naipon sa kanyang mga mata. Agad syang nagiwas ng tingin at naglakad nalamang habang nakayuko. Makakalaagpas na sana sya sa akin ngunit agad kong hinawakan ang kanang braso nya dahilan upang mapahinto ito sa paglalakad. Dahan dahan nya akong nilingon.

"pwede ba tayong magusap?" agad na tanong ko sa kanya. natagalan bago sya umimik. Nakatingin lamang sya sa akin. Agad nyang binawi ang kanang braso nya at seryosong tumingin sa akin habang nagpupunas ng luha sa magkabilang pisngi.

"hindi ba ang sabi ko sa iyo ay huwag mo na akong lalapitaan at kakausapin?" seryosong sabi nya. aalis na sana syanng muli ngunit agad akong humarang sa dinaraanan nya.

"gusto kong maintindihan mo ako kaya please naman pakinggan mo ako." mahinahong sabi ko pa sa kanya.

"hindi mo na kailangan pang ipaintindi sa akin ang lahat dahil hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang lahat lahat. Alie, ayoko na. ang pakikinig sa mga paliwanag mo ay wala ng saysay pa kaya umalis kanalang sa dinaranan ko."

"kung talagang naiintindihan mo ang lahat hindi mo na kailangan pang magalit ng ganyan sa akin."

"ang pagkakaroon mo ng feelings kay Lazarus ay sapat na para magalit ako sa iyo." Seryosong usal pa nito.

"C-Cassandra.." naiusal ko nalamang.

"buong akala ko pa naman ay tuluyan mo na akong matutulungan sa aming dalawa.. pero ikaw pala hetong mismong hahadlang para maging maayos muli ang relasyon namin." Naiiyak na sabi pa nito.

"p-paano na yung pagkakaibigan natin?"

"hindi na kita tinuturing bilang kaibigan ko ngayon. Nagpakatotoo ako sa iyo noon at sinubukang maging isang mabuting kaibigan. yung noon.. kalimutan mo na. wala nang halaga sa akin iyon ngayon... pwera nalang kung..."

"kung ano?" pagpuputol ko sa kanya.

"ipapaubaya mo sya sa akin." Hindi ako nakapagsalita at halos napayuko nalamang ako.

Mahal ko na si Lazarus. Alam ko 'yan sa sarili ko noon pa. kaya ko bang ipaubaya si Lazarus kay Cassandra para lang sa pagkakaibigan naming dalawa? Gusto ko si Cassandra bilang isang kaibigan ko. pero gusto ko rin naman si Lazarus para sa akin. hindi ko kayang mawala si Lazarus sa akin pero.. paano si Cassandra? Mahalaga sa akin ang friendship naming dalawa.

"bakit hindi ka makasagot? Kasi nahihirapan kang ipaubaya si Lazaarus sa akin. Tama ba ako?"

Naiiyak na talaga nyang sabi sa akin.

"Nathalie... Mahal mo ba si Lazarus?" napatingin ako sa kanya. hindi ko na din napigilan ang sarili ko sa pagiyak.

"m-mahal ko sya." Nakayukong tugon ko pa.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon