IT'S YOU Chapter 41

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 41

Nathalie Kim's POV.

"HOY BUMALIK KA DITO!"

Galit na sigaw nila pero hindi ko na sila pinansin pa..

Takbo lang ako ng takbo... wala na nga pala sa paningin ko si Lazarus.. saan naman kaya nagpunta 'yun?

Nasa harap na ako ng Gym.. wala na akong makitang lalaking naka hoodie jacket na black na tumatakbo.

"Alie!"

Nagulat naman ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya napaharap ako sa likod ko kung saan nanggaling yung boses. Si Tim lang pala.. mabagal syang tumatakbo papalapit sa akin.. ng makalapit sya ay napansin ko ang paghawak nya sa dibdib nya... parang sumasakit yata... hinihingal din sya.. mukhang malayo ang tinakbo.

"nakakainis naman kayo ni Oscar eh. Dapat makikita ko na si Lazarus tinakpan nyo naman yung mga mata ko."

Nakasimangot kong sabi sa kanya. napangiti naman sya at ginulo lang ang buhok ko. mabilis din namang nawala ang pagkahingal nya.

"sorry ah... ayaw lang talaga nyang.. m-magpakita sa 'yo."

"sabihin mo sa kanya na hindi ko sya tatantanan ah?"

"s-sige sige... makakarating."

Bakit ba sya pautal utal kung magsalita?

"sige.. maiwan na kita dyan at kailangan ko pa syang hanapin."

Tatakbo na sana ulit ako pero pinigilan nya ako.

"teka... bakit mo ba sya hinahabol? Tingnan mo nga ang sarili mo... ang dungis mo na... ang dumi na nag uniform mo."

"hindi mo pa ba alam? Plano kong ayusin yung relationship nila Caz at Lazarus, at isa pa may atraso sya sa akin. Pinagkakalat ba naman nya na malapit na daw na maging kami?"

"Ano?... Talaga?... B-bakit?... You mean... pag aayusin mo ulit silang dalawa? Para maging sila ulit?"

Napapaatras nyang tanong.

"parehas na parehas kayo ni Pretty noh? Laging weird." Nailing na sabi ko.

Parang hindi na sya mapakali... then bigla syang nagisip tapos tumingin sa akin ng seryoso.

"sa tingin ko It's about time para malaman mo na yung totoo Alie.."

Ang seryoso nya masyado... nakakakaba ah? Parang may sasabihin syang hindi maganda.

"tungkol saan?"

"t-tungkol kila... ahm..."

"tungkol kanino?"

"ahm.. kila... J-JB at..."

"at?" patanong na sabi ko.

"at... Lazarus.."

Parang nahihirapan pa syang magsalita..

"ano naman yung dapat kong malaman sa kanilang dalawa?"

"ahm... si Lazarus kasi t-tsaka si... ahm... teka paano ko ba ito sasabihin? Paano ko ito sisimulan?... ah.. wait... ahmmm."

Hindi sya mapakali.. hindi din sya makatingin ng maayos sa akin.. medyo naiinis na nga ako dahil kung hindi sya pautal-utal kung magsalita, pabitin naman sya.

"ayusin mo nga ang pagsasalita mo.." napapakamot na sa ulong sabi ko pa.

"ok... ganito 'yan... si JB at... si Lazarus ay.."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon