IT'S YOU Chapter 103

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 103

(PAALALA!  Pasensya na sa mga masyadong bata na nagbabasa ng Story ko. ang part na ito ay may SEXUAL CONTENT. BAWAL GAYAHIN!)

Nathalie's POV.

napayuko nalamang ako.

"at dahil madalas ang pagpunta dito ni Celso ay naging mas malalim ang relasyon naming dalawa, hindi pasyente ang turing ko sa batang iyon kundi parang isang tunay na anak. Kapag Masaya sya, nahahawa ako, kapag malungkot sya.. naaapektuhan ako. mabait na bata si Celso. Halos ako na ang tumayong tatay sa kanya sa loob ng halos 4 years."

Hindi ko nga maitatanggi na mabait sya, halos lahat na yata ng taong na-meet ko ay hindi maiwasaang sabihin kung gaano sya kabait.

"ang Makita syang Masaya, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na iyon. Isa ka sa mga taong nagbigay pagasa sa kanya. thank you very much for that. Sa dinamirami ng mabubuting nagawa mo sa kanya, you deserve to be thanking for."

"huwag po kayong magalala Doc, sisikapin ko na maging isang mabuting kaibigan sa kanya, kasama ako sa laban nyang ito. ipapakita natin sa kanya na hindi sya nagiisa." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"maraming salamat. oh? paano? May mga pasyente pa ako. mukhang hindi na kita masasamahan pabalik sa ICU."

"ok lang po. Sige po. Mauna na po ako sa inyo." Matapos kong sabihin 'yun ay umalis na ako ng office nya.

Ng makalabas ako ng office ay napahinto ako sa paglalakad ng biglang magring yung cellphone ni Kuya Celso na nasa akin. Katarina yung pangalan ng tumatawag sa kanya. napatango nalamang ako ng maalala kung sino ang tumatawag.

Sya yung batang babae na kapatid ni Kuya Celso, yung crush ng kapatid ko na ninakawan pa nga ng halik. Agad ko itong sinagot. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan nya ako.

"tumawag ako hindi dahil para kumustahin ka... na-namali lang ako ng t-tinawagan. Ge. Bye."

"w-wait! Kat? Si ate Alie ito. natatandaan mo pa ba si Ate Alie?"

Hindi sya nakasagot, tumagal ng halos limang Segundo bago sya nakapagsalita.

"ah.. i-ikaw po yung ate ni Jericho?"

"ah. oo ako nga."

"teka.. magkasama po kayo? Ano po yung ginagawa nyo ng ganitong oras?"

"ah. Kat, yung kuya mo kasi eh nasa Hospital ngayon nag faint sya kanina kaya naman kinailangan syang isugod dito sa GS Hospital. Pero huwag ka nang magalala, nasa ICU na sya ngayon at kasalukuyang idina-dialysis."

"a-ate.. pupunta ako dyan. Pasabi kay Kuya pupuntahan ko sya." Mukhang umiiyak na sya sa kabilang linya.

"sigurado ka ba? Mag a-alauna na Kat. Ako na muna ang bahala sa kuya mo, magpahinga ka nalang at mukhang may pasok ka pa bukas."

"kasama ko naman po si yaya. Sige po, papunta na kami dyan." Ang sabi nya sabay hang up. May saabihin pa sana ako sa kanya ngunit nagkibit balikat nalamang ako.

Bago puntahan si Kuya Celso ay bumaba muna ako upang bumili ng makakain. Lumabas ako ng Hopital at bumili ng pagkain ni Kuya Celso sa super market. Nag search ako sa phone kung ano ang dapat na iwasang kainin nya at yung mg dapat lang nyang kainin. pinili ko yung mga masusustansya at yung mga may good cholesterols na pagkain matapos ay bumalik na sa Hospital.

Habang naglalakad sa Lobby ay hindi ko inaasahang makasalubong si Doc. Gonzales, yung ate ni Lazarus. Pareha kaming nahinto sa paglalakad at napatingin sa isa't-isa. Ngumiti sya ng malawak habang lumalapit sa akin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon