IT'S YOU Chapter 56

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 56

Nathalie Kim's POV.

"tsaka isa pa... naniniwala talaga sila Tita Kristel at tito Fredrick na si ate Alie yung destiny mo kuya Mau." Dagdag pa ni Darius. nagpatuloy sya sa pagsasalita. "pero alam nyo.. hindi talaga ako sanay na ang tawag nila Tita at Tito kay ate ay Kimmie.. naninibago ako."

"ewan ko nga eh.. pati din etong si Maurice.. Kim ang tawag sa akin.. pero ok lang naman sa akin 'yun.. masanay ka na Darius. Simula ng maliit ako ay Kimmie at Kim na ang tawag ng pamilya nila sa akin. Wala ka ng magagawa doon."

Napatango nalamang si Darius habang patuloy sa pagkain ng cookies.

"nga pala nasaan na si Tito Frederick? Nasa China parin ba sya?"

Tumango lamang si Maurice.

"umuuwi sya twice a month. Puro business parin ang inaatupag miss ko na nga si Daddy eh.." Sabi ni Maurice.

"parehas pala tayo.. nami-miss ko na nga din si Papa eh."

"magtitira ako ng 5 para kay Kei."

Nahinto yung paguusap namin ni Maurice at napatingin kami kay Darius na nakangiti habang ngumunguya ng cookies at binibilang pa yung nasa loob ng taper ware na hawak nya.

"sino si Kei? Girlfriend mo?" takang tanong ni Maurice sa kanya.

Halatang nailang naman ang kapatid ko at hindi agad nakasagot.

"Crush nya." bored na sabi ko habang ngumunguya ng cookies.

"ATE!" masama ang tingin ni Darius sa akin..

"bakit? Totoo naman 'di ba? Haha!!" natatawang sabi ko pa.

"ipapakilala mo ako kay Kei ah? Maganda ba 'yun?"

"hmm.. sobra Kuya Mau. Kaso kapag pinakilala kita huwag mong babanggitin sa kanya yung tungkol sa sinabi ni Ate Alie sa iyo ah! Hindi pa kasi nya alam.."

"hmmm.. sige haha!! Bakit hindi mo pa inaamin?"

"torpe kasi sya!" pangaasar ko pa kay Darius.

"isa pa ate! Ibubuking ko kay kuya Mau yung mga kalokohan mo sige ka!" pananakot pa nya sa akin.

"joke lang naman heto talaga!" nakangiting sabi ko pa kay Darius.

Nakarating naman kami kaagad sa school. Agad na humiwalay sa amin si Darius at excited na syang ibigay yung cookies sa crush nya.

"ang laki pala talaga ng Joongdong noh?"

"hmm hindi ko pa nga nalilibot ng buo itong school kahit halos magl-limang buwan na ako dito." Sabi ko pa.

"pwedeng samahan mo muna ako sa office para malaman yung section ko?"

"oo naman."

Agad kaming nagtungo sa office at nalaman namin na star section sya kaya naman napakasaya ko kasi classmates kami. Agad naman kaming umalis ng office para magderetso na sa room. Habang naglalakad kami sa corridor ay napakaraming estudyante na nagbubulungan habang nakatingin sa amin, mapa-babae man o lalaki. may mga ibang babae naman na halatang nagp-pa-cute kay Maurice pero mas minabuti nalang namin na huwag silang pansinin.

Pero nagkamali ako. akala ko talaga de-dedmahin lang nya yung mga babaeng nagp-pa-cute sa kanya, kapag nag hi sa kanya at kapag tinanong ang kanyang pangalan ay agad nyang sasagutin. May isang babae pa nga syang pinagbigyan nya ng number nya. tsk. Maganda kasi.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon