IT'S YOU Chapter 128

15 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 128

(GUYS, ang part na ito ay may VIOLENCE CONTENT. SUPER BAWAL GAYAHIN.)

Nathalie Kim's POV.

Muli kaming pumasok sa loob ng chem. Lab at nagtago. Mabuti nalamang at hindi kami nakita ng mga humahabol kanina kila Pretty na pumasok kami dito para makapagtago.

Nakasara ang pinto at may mga nakaharang na pinagpatong-patong na lamesa upang kung sakaling matunton nila kung nasaan kami ay mahihirapan sila na buksan ito.

Nakaupo si Lazarus sa isang mahabang lamesa na nakadikit sa bandang pader ng room, nakasandalang kanyang likod sa pader at nasa tabi nya ako. hindi na nya halos maiwasang mapa-aray dahil sa mga sugat na natamo kanina.

Si Michelle naman ay kasalukuyang ginagamot ang sugat ni Maurice sa bandang hita nito, tinutulungan sya ni Pretty, Andrea at Miko. nakapwesto sila hindi kalayuan sa amin.

Nakatayo naman sila Oscar at Tim hindi kalayuan sa pinto.

"ibig sabihin ba nito maaaring nasa rooftop ng school building si Cassandra at Brandon?" salubong ang mga kilay na tanong ni Tim habang nakatingin sa dereksyon namin.

"ganun na nga, at kailangan nating makapunta doon bago pa muhili ang lahat. hindi pwedeng may masamang mangyari kay Cassandra." Ang sabi ko pa.

Pinipilit naming maging mahina ang aming mga salita dahil baka marinig kami ng mga lalaking naghahanap sa amin.

"kung ganun kailangan nating umisip ng plano para mailigtas si Cassandra mula kay Brandon.." ang sabi ni Pretty na tumatayo at lumalapit sa dereksyon ko.

"teka.. paano? Nandyan lang sa paligid yung mga lalaking humahabol sa atin?" may pagaalala sa tono ng pananalita ni Andrea.

Saglit na nagisip si Tim at Oscar kung paano namin maliligtas si Caz laban kay Brandon.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay may narinig kaming malakas na katok mula sa labas ng kwarto. Halos lahat kami ay napatingin sa pinto.

"sigurado ka bang may narinig kang mga naguusap dito?" ang tanong ng isang lalaki mula sa labas.

"oo naman.. malakas ang kutob ko na nandito ang mga 'yun.. 'yan lang ang kwartong hindi bukas sa palapag na ito. malamang nandyan sila." Dinig pa naming sabi ng isang lalaki.

Maingat na sinilip ni Tim ang bintana sa harap. Matapos nyang gawin 'yun ay lumapit sya sa amin at pabulong na nagsalita.

"sila yung mga lalaking humahabol sa atin. Kailangan nating magingat.. kailangan hindi nila malamang nandito tayo." Ang sabi sa amin ni Tim.

Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo. Napatingin ako kay Lazarus na hanggang ngayon ay nahihirapan parin dahil sa sugat na natamo nya.

Hinawakan ko ang magkabilang mga kamay nito. Pinilit nyang ngumiti.

"Don't look at me like that." Umiiling na sabi pa nito.

"malala na ang kundisyon mo.. hindi na tayo pwedeng manatili pa dito. baka kung mapano ka pa kapag hindi ka nadala sa hospital ano mang oras." Nagaalalang sabi ko pa sa kanya.

Tumingin ako sa aking mga kasama. "kailangan na nating gumawa ng paraan para makaalis dito.. malala na ang kundisyon ni Lazarus, marami ng dugo ang nawala sa kanya."

Lumapit si Oscar, Pretty, Tim, Andrea at Miko sa dereksyon amin.

"hindi na maganda 'to." Ang sabi ni Miko.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon