IT'S YOU Chapter 9

36 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 9

Nathalie Kim's POV.

Isang panibagong araw nanaman ang sumalubong sa akin. Pangalawang araw ko na ngayon sa school na ito. so far maayos naman ang lahat. Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang school building. May 1 hour pa bago ang start ng first period namin.

"nasaan si Tim?"

"pinagtutulungan sya ngayon ng grupo nila Brandon."

"binubug-bog sya ngayon ng grupo nila Brandon? kawawa naman sya, nasaan ba sila?"

"nasa likod ng school building."

"tara puntahan natin."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig yung usapan ng dalawang babae sa harapan ko. Matapos ng usapan nila ay mabilis silang tumakbo papunta ng likod ng school building.

"Tim? Pamilyar ang pangalan sa akin."

Nagiisip pang sabi ko sa sarili. hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang ilan sa mga estudyanteng tumatakbo papunta sa dereksyon ng pinuntahan ng dalawang babaeng naguusap kanina. At nakakasiguro akong sa likod din ng school building ang punta nila.

"dali! Kailangan nating maabutan yung sunukan sa likod!"

Sabi pa ng isang lalaki habang sabay sabay silang nagmamadaling tumatakbo, hanggang sa tuluyan kong napapansin yung mga mangilan-ngilang estudyanteng nagtatakbuhan papuntang school building.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng maalala kung ano ang pangalan ng lalaking na-meet ko sa rooftop kahapon.

Tim? Tim Tim. Maaring sya ang binubugbog sa likod ng school building!

Tulad ng mga estudyante kanina ay mabilis din akong nagtungo sa likod ng school building kung saan ngaganap ang kaguluhan.

Naabutan ko ang kumpulan ng mga estudyante sa likod, may mga maiingay na lalaki na nagsisigawan na parang nagch-cheer pa sa nangyayari, may mga iilang estudyante na may hawak ng cellphones na nakatutok ang mga camera sa nangyayari, may mga sumisigaw ng "awat na!" at "mapapatay nyo sya!".

Mabilis akong nakisingit sa mga estudyanteng nakapalibot hanggang sa marating ko ang pinaka unahan nito. Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaking pinagtutulungan ng isang grupo ng mga lalaki. Lima ang lalaking pinagtutulungan syang suntukin. Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyang makita ang kabuuan ng mukha ng lalaki na pinagtutulungan nila. Si Tim Tim nga! Napatakip ako sa bibig ng Makita ang dugo sa kanang pisngi nya, halata na din yung pagitim ng tabi ng kaliwang mata nito, dumudugo yung kanang bahagi ng labi nya.

"Alie!"
narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kanang balikat ko mula sa likod, agad ko itong nilingon. Si Pretty. Bakas sa mga mata nya ang labis na pagaalala, namumula ang mga mata nya na siguro ang dahilan ay ang pagiyak nya.

So umiyak sya? Ano ang dahilan?

"anong nangyari?"

Nagaalalang tanong ko sa kanya habang hinahawakan yung magkabilang braso nya.

"totoo nga ang sabi nila. Binubog-bog si Tim."

Sabi nya sa gitna ng mga hikbi nya.

"kakarating mo lang?"

Tanong ko pa sa kanya. tumango nalang sya bilang response. Siguro ay nabalitaan lang nya.

Muli akong napatingin sa nangyayaring gulo. Hindi man lang lumalaban si Tim sa mga nangbubug-bog sa kanya. bakit? Mukha naman syang matapang. At kung sa tutuusin mas malaki pa sya kaysa sa kanila.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon