IT'S YOU Chapter 58

15 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 58

Michelle's POV.

"pinatatawag kasi ni Mrs. McKellen yung English Club President.. pero dahil absent si Ms. Kavanagh ikaw nalang siguro ang magpunta sa office nya ngayon." Nakangiting sabi pa ni Ms. Lim sa isang medyo malanding tonong boses nanaman. Ganyan talaga kasi sya kung magsalita.

Nakasimangot na tumayo nalamang ako at nagdere-deretsong lumabas ng room papunta sa Office ni Mrs. McKellen.

"Ayokong-ayoko pa naman sa lahat na inuutusan ako! nakaka badtrip naman!" bulong ko pa sa sarili ko habang napapakamot ng ulo at naglalakad sa corridor.

Agad akong bumaba ng hagdan papuntang first floor dahil nandoon pa sa pinakababa ng school yung office ni Mrs. McKellen.

Pagbaba ko ng second floor may nakita akong isang lalaki na nakatalikod sa akin at pababa din sya papuntang first floor. Kasalukuyan nyang tinutunton yung hagdan pababa ng second floor habang nakapamulsa pa yung mga kamay nya sa magkabilang slacks. Hindi ko nalang sya pinansin at nagdere-deretso na ako pababa hanggang sa namalayan ko nalang na nasa likod na nya ako. patuloy parin sya sa paglalakad pero hindi ko nalang sya pinagtuunan ng pansin..

Hanggang sa harap ng pinto ng office ni Mrs. McKellen ay nakasunod parin ako sa kanya. siguro ay doon din ang punta nya. nagulat nalamang ako ng bigla syang humarap sa akin. Bahagya pa syang napaatras ng isang hakbang ng Makita ang mukha ko at halatang gulat ang expression.

Ewan ko ba kung sinasadya lang akong inisin ng letseng tadhana na ito o kung ano man pero anak ng tupa naman oh! Sa dinami-rami ng estudyante na nagaaral sa Joondong bakit sya pa ang makikita ko sa mga oras na ito?

At bakit nagiging abnormal nanaman ang tibok ng puso ko? bakit nararamdaman ko nanaman yung nararamdaman ko kanina nang makabangga ko sya sa Canteen? Bakit ba ang weird weird ng nararamdaman ko? para saan nanaman ang mga paro-paro sa mga tiyan ko? normal pa ba ito?

Napairap sya sa kawalan.

"si Ms. Sungit lang pala." Sabi pa nya sa sarili habang hinahawakan yung batok gamit yung kanang kamay.

Seryoso akong tumingin sa kanya habang nagc-cross arms.

"oy. Ang bilis namang matuyo ng uniform mo.. effective ba yung ginawa ko kanina?" seryosong usal pa nya habang nakapamewang sa harap ko.

Ewan ko kung kailangan ko bang mainis sa sinabi nyang iyon. Alam kong yung pagpunas nya ng panyo sa dibdib ko yung tinutukoy nya. hindi ko tuloy alam kung ano ang i-re-react ko dahil hindi naman nakakaasar yung tono ng pananalita nya. in fact parang seryosong-seryoso pa nga sya sa sinabi nyang iyon at walang halong biro.

"pasalamat ka at may dalang extrang damit ang kaibigan ko.. pero kung nagkataong wala syang extrang damit.. sisiguraduhin kong lumpo ka na ngayon at nahihirapang makalakad." Seryosong sabi ko.

"ang sungit talaga." hindi makapaniwalang sabi pa nya.

Hindi nalamang ako kumiobo dahil sawa na akong makipagsagutan sa isang ito.

"alam mo. Nag sorry na ako hindi ba? Eh bakit hanggang ngayon sobrang galit ka parin sa akin? Ha? Hindi naman sana ganoon ka-grabe ang nagawa ko para sungitan mo ako ng ganyan! Ang taray mo! Ayoko pa naman sa mga babaeng ganyan ang ugali... alam mo maganda ka sana eh... palpak nga lang sa ugali."

Napahawak ako sa dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"ang yabang mo! Sino ka sa tingin mo para sabihan ako ng mga masasakit na salita!? Ha! Hindi masama ang ugali ko noh! Nagkataon lang na sobrang nakakainis yang pagmumukha mo kaya lagi akong naiinis sa twing nakikita kita!"

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon