IT'S YOU Chapter 132

21 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 132

Prince Lazarus's POV.

[PLEASE PLAY HARD TO LOVE BY: BOLBBALGAN4 (IT'S YOU OST PART 7) FOR THIS PART]

Hindi ako galit kay Alie, naisip ko kasi na kapag pinakitaan ko sya ng ganung attitude ay mas makakatulong 'yun sa kanya para isipin nyang nagsasawa na akong humabol, sa kanya, sa pamamagitan nun, mas mapapanatag ang kanyang loob at iisipin nyang matatag ako upang makapagsimulang muli..

Nitong mga nakaraang lingo, pinili kong hindi sya pansinin, kausapin at kulitin sa text at tawag. 'Yun kasi ang nais nyang mangyari kaya naman pinilit kong gawin kahit nahihirapan na ako.

Ang mga nagdaang lingo na hindi ko sya nakakausap ay napakasakit sa akin. Sa tuwing nakikita ko sya, gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Sa tuwing tinititigan ko ang number nya sa aking cellphone, napapaiyak nalamang ako. God knows kung gaano ko ka-gustong tawagan ang number nya at sabihin ang lahat ng nararamdaman ko, sa tuwing maaalala ko ang mga ngiti nya, napapapikit nalmang ako... pilit mine-memorya ang mga ngiti nito sa maganda nyang mukha, gusto ko kasing laging maalala iyon kapag wala na sya.

Huminto ako sa aking paglalakad at marahang lumingon mula sa aking likuran...

Wala na si Alie sa pwesto nito kanina..

Dapat na ba talaga akong sumuko? Heto na ba talaga ang tamang oras para tanggapin na ala-ala nalamang ang mga masasayang memories para sa aming dalawa?

Masakit isipin na hanggang dito nalang ang lahat.

Tinadhana kaming makilala ang isa't-isa... naka-tadhana din bang ganito ang lahat? if in case ganito nga ang kahahantungan ng lahat.. wala akong ibang gagawin kundi ang humiling na sana bumalik ang dati sa lahat. bumalik kami sa mga oras at araw na hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Upang magawan ko pa ng paraan ang lahat, kasi ayoko nang mabuhay pa sa mga susunod na araw na may dala-dalang bigat ng loob na nararamdaman.

Heto ang pinakamahirap at pinakamasakit sa lahat ng masasakit at mahihirap na naramdaman ko.. napakahirap magpaalam sa isang tao na naging parte na ng buhay ko.

.....

Hapon na at Nakatulala lamang ako at nakatanaw sa labas ng bintana ng aming classroom habang may sinasabi ang aming teachers sa harap. Tahimik ang halos lahat ng classmates ko at nakatuon lamang ang atensyon sa guro sa harapan.. ako lang yata ang hindi nakikinig.

"Masaya akong batiin ang bawat isa. Lahat kayo ay nakapasa at promoted na sa college! Congratulations everyone!!" masayang sabi nig adviser namin matapos ay pumalakpak sya ng napakalakas. Hindi parin ako tumitingin sa dereksyon nya.

Halos lahat ng mga classmates ko ay nagpalakpakan, ang iba ay tumayo pa at nagtatalon, may mga nagpasabog ng confetti, may mga naiyak, may mga tumatawag sa kanilang mga magulang at ina-anunsyo ang magandang balita, may mga nagbatian ng Congratulations at may mga nagyakapan.

Halos lahat ay Masaya, siguro maliban na lang sakin.

Kahit naman ganito ang pinagdadaanan ko, may parte parin sa akin na Masaya ako dahil kahit paano na-survived ko ang high school. Hindi din biro ang high school life. Napakarami naming pinagdaanan para lang makarating sa ganito. Hindi ko din kasi talaga expected na makakapasa ako at ngayon tingnan nyo naman, promoted na sa college.

Hindi ko lang talaga kayang magsaya gaya ng ginagawa ng mga classmates ko, siguro nga kasi dahil sa masakit parin sa akin ang lahat hanggang ngayon.

Napabuntong hininga nalamang ako habang nakatanaw parin sa labas ng bintana ng aming classroom. Hindi ko inaasahang may namuo nanaman palang mga luha sa aking mga mata. Nagmamadali kong pinunasan ito bago pa may makakitang classmates ko. kaso kahit anong gawin kong punas, may namumuo parin ka-agad na luha. Inis kong nilamukos ang may kanipisang libro na nakapatong sa aking table matapos ay dumukdok nalamang at doon umiyak ng palihim.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon