IT'S YOU Chapter 108

11 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 108

Nathalie Kim's POV.

Pinanood ko nalamang sya na maglakad papalayo sa dereksyon ko. ng tuluyan na syang makalayo ay pumasok na ako ng Gym.

Marami din ang gustong magaudition para sa play. Halos umabot nga hanggang sa pintuan ng Gym yung pila para sa role ni Aurora sa play.

Pang number 87 ako, pangalawa sa huli. Matsaga akong naghintay hanggang sa humupa ang pila.

Wala naman na kasi akong panahon para mabagot. What I mean is, ang dami dami ko ng iniisip kaya imposibleng mapansin ko pa na nababagot na ako sa haba ng pila.

Lumipas ang bawat sandali.. ako na ang isasalang sa stage. Tinawag ako ng isa sa mga officers ng English club at inalalayan ako sa pagakyat ko sa stage. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago sya umalis.

Nakita ko si Daffny at Tim na kasalukuyang tumutulong sa paggawa ng props, nasa likod ko sila. Nag fighting sign sila upang i-cheer ako.

Nasa kabilang dulo naman ng stage si Darius, Oscar, Pretty at Kei tsaka yung iba pang dancers at kasalukuyan silang nageensayo para sa kaunting sayaw na kasama sa play. Nag hello sila sa akin at nag cheer pa.

Huminga ako ng malalim habang pumwe-pwesto sa gitna ng stage, tumingin ako sa apat na hurado na nakaupo sa ibaba ng stage. Si Michelle, yung department head ng English Dept, si Cassandra at Lazarus.

Malawak ang ngiti ng teacher tsaka ni Michelle. Nabigla naman si Cassandra at mukhang hindi expected na Makita ako dito. ngunit nakikita ko na Masaya syang Makita ako. si Lazarus naman ay nakatingin lamang sa mga papel na hawak nya at hindi pa napapanisn na naruon ako.

Pinilit kong ngumiti sa mga hurado na nasa baba ng stage at nagsalita.

"Magandang hapon po sa inyong lahat!" bati ko sa kanilang apat.

"oh? Ms. Dela Cruz? Buong akala namin ay hindi ka na maga-audition, kahapon ka pa namin hinihintay..." masayang sabi ng department head.

Napatingin ako kay Lazarus. Unti-unti nyang inangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata at halatang hindi rin inaasahan ng pagpunta ko dito. agad syang napaiwas ng tingin at nagsalubong ang mga kilay nito dahilan para mawala ang aking ngiti.

"so happy to see you here Nathalie." Nakangiting sabi pa ni Cassandra. "galingan mo ha." Paalala pa nya sa akin.

Ngumiti nalamang ako bilang sagot.

"sa play ng sleeping beauty, may part na kakanta, sasayaw at of course a-acting para sa role ni Aurora, kaya naman ang gusto naming ipakita mo ngayon ay ang tatlong nabanggit.. sasayaw, kakanta at aarte ka. so... are you ready?" nakangiting tanong pa ni Michelle sa akin.

Napatingin ako kay Lazarus. Wala syang reaksyon habang nakatingin sa kung saan, parang ang lalim ng kanyang iniisip. Pinilit ko nalamang mag focus sa aking gagawin at pansamantalang kinalimutan ang pagaalala ko sa kanya.

"uunahin ko po muna siguro ang pag awit. Ok lang ba?" tanong ko pa sa kanila, nakangiti naman nila akong pinayagan sa aking gusto.

Natahimik ang lahat, kahit yung mga estudyanteng gumagawa ng props at yung mga sumasayaw ay napatingin sa akin.

Mabilis akong nagisip ng kanta na aking kakantahin. Ilang Segundo lamang ay nakaisip na ako ng maaari kong kantahin. Isa sa mga official soundtrack ng paborito kong drama ang napili ko.. bagama't lalaki yung kumanta, sa tingin ko naman ay mas mgiging maganda pang lalo ang kantang ito para sa akin kung kakantahin din ng babae.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon