IT'S YOU Chapter 2

95 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 2

Lazarus's POV.

"Si Cassandra kase eh.."

"oh anong meron sa kanya?" kunot noong tanong ko pa.

"nasa comfort room sya eh.." hindi mapakaling sabi pa nito.

"oh? Ano naman ngayon?"

Bored na sabi ko sa kanya.. amba pa nya akong susuntukin dahil sa inis nya. At pag ganyan sya, seryoso 'yan.. nakakatakot nga kapag seryoso ang isang 'to.

Hinarang ko lang yung dalawang kamay ko sa kanya para mailagan ko kung saka-sakaling ituloy nya yung pagsuntok nya sa akin.. agad naman nyang ibinaba yung kamao nya sabay gulo ng buhok nya.

"Ano ka ba naman ha? Seryoso 'to wag ka ngang ganyan! Sumama ka na nga lang sa akin."

Naiinis na sya kaya kinaladkad nya ako papasok ng school at papunta sa Cr ng mga babae.. nakakatakot kasi sya pag naiinis kaya wala na akong magagawa kundi ang sumama sa kanya.

Madami yung tao sa harap ng pinto ng CR ng mga babae. Nangingibabaw yung mga bulungan ng ilan, may mga mukhang nagaalala. Nakita ko sila Michelle, Daffny at Andrea na mga kaibigan ni Cassandra at mga ka-band mates narin nya as well. Halata sa mga expressions nila ang pag aalala. Nandito din si Tim na nasa harap mismo ng pinto ng Comfort room ng mga babae at pilit na binubuksan ang pinto nito.

Ng Makita ako ni Daffny ay agad syang lumapit sa akin, sinundan naman sya nila Andrea at Michelle.

"Lazarus!" Malakas na Tawag sa akin ni Daffny dahilan para mapatingin ang lahat sa dereksyon namin. Mas lalo akong nakarinig ng mga bulungan.

"sya yun diba?"

"sya yung kanina pa hinihintay dito.."

"kawawa naman si Caz."

Dinig ko pa sa ilan sa mga bulungan nila.

"Buti naman at nandito ka na, kanina ka pa talaga namin hinahanap."

Nagaalalang sabi ni Michelle.

"ikaw lang talaga yung makakatulong sa amin kay Cassandra.. please tulungan mo naman kami oh? Kanina pa kami nagaalala sa kanya." nag-alalang sabi naman ni Daffny.

Bago pa ako maguluhan sa kanila ay nagtanong na ako...

"Teka.. ano ba kasi yung nangyayari ha?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Si Cazandra Lazarus! Kanina pa sya nandyan sa loob ng CR, hindi nagsasalita, actually, matapos nyang umiyak kanina sa pathway hindi na namin sya nakita, hanggang sa may nakapag sabi sa amin na nandito sya kanina pa... natatakot na ako baka kung ano na yung nangyari sa kanya.." nag aalalang sabi ni Daffny.

"T-teka kanina pa sya dyan? Hahaha eh kung kanina pa sya walang kibo baka wala na sya dyan!"

Natatawa ko pang sabi dahilan para mapatingin sa akin ang lahat ng masama. Lalo na si Tim.

Agad syang lumapit sa akin at hinawakan nya ang kwelyo ng suot kong Uniform at marahas na inilapit nya ako sa kanya.. galit na galit sya.

"Ungas ka ba? Kanina pa sya nandyan dahil sa ka gagawan mo! Kaya pwede ba? Wag kang puro biro dyan at tumulong ka nalang!"

"Pare bitawan mo si Lazarus! Hindi kayo nakakatulong kung mag aaway – away lang kayo dyan!"

May halong inis na sa mga pananalita ni Oscar ng paghiwalayin nya kami ni Tim. Masama parin ang tingin nya sa akin..

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon