IT'S YOU Chapter 38

19 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 38

Nathalie Kim's POV.

After kong magbura ng nakasulat sa board tumalikod na ako dun at nagstart ng mag ayos ng mga bangko...

Pinaghihila ko sila at sinigurong pantay yung alignment ng chairs para magandang tingnan. After kong maayos lahat. kinuha ko yung suklay ko sa Bag syempre nagayos muna ako ng kaunti para naman hindi ako mukhang bruha kapag umuwi hindi ba? After nun inayos ko na ang gamit ko at sinukbit ang bag pack ko... pero hindi ko maiwasang mapatingin sa board... tumaas ang balahibo ko sa braso ko... nanlaki ang mga mata ko... MAY NAKA SULAT SA BOARD

"w-wala namang nakasulat na ganun dun kanina ah?" sabi ko pa sa sarili ko. siigurado ko kasi na bura talaga ang lahat bng nakasulat doon.

Oo seryoso may naka sulat sa black board namin na ganito "HI Nathalie.. laro tayo?"

Nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.. napapaatras lang ako ng napapaatras... iiyak na nga yata ako eh... wala talagang nakasulat na ganyan kanina.. tininggnan ko yung chalk na nasa teachers table... gumagalaw sya... mukhang kakababa nga lang ng chalk na 'yun ng kung sino man ang nagsulat nun... takot na takot na talaga ako...

"WAAAAAAAAAAAAHAHHHHHHH!!"

Napasalampak nalang ako sa sahig at iyak ng iyak.. aba. Ako lang ang mag isa dito tapos may magsusulat ng ganyan sa board? Please lang ah? Kung multo 'yun patayin nyo na ako! Imposible naman kasing may iba pang tao dito.. ako lang talaga! Ako lang!

Nanginginig na ako sa takot.. nakakainis hindi ko kayang tumakbo.. baka makasalubong ko pa yung mumu kapag ganun!

Dahan dahan kong tininggan yung teachers table. GUMAGALAW SYA! GUMAGALAAAWWW! yung chalk nahulog sya at gumulong tinignan ko lang yung chalk hanggang sa gumulong at huminto malapit sa mga paa ko..

"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!... TULOOONNGG MAY MULTO!"

Nakatingin parin ako sa may Teachers desk at tinuturo 'yun. Napahinto naman ako sa pag sigaw ng may taong lumabas mula sa ilalim ng Teachers Desk. Napahinto ako sa pagiyak. Yung takot na naramdaman ko nawala. Bigla akong nakaramdam ng saya. Nagliwanag ang mukha ko at agad na tumayo.

"JB!" sabi ko sabay takbo papalapit sa kanya para yakapin sya. At 'yun nga ang ginawa ko... niyakap ko sya.

Hindi dahil sa natatakot ako ah? Dahil sa na miss ko sya.. Agad naman nya akong niyakap pabalik.

"haha... namiss mo ba ako?"

"h-hindi ahh... n-natatakot lang kasi ako."

Pag d-deny ko pa kahit 'yun naman talaga ang totoo.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at ganoon din naman sya..

"namiss mo lang ako weh."

Natatawa pa nyang sabi.

"oh.. sige na nga. Aamin na ako. Namiss kita.."

"lumbas na din yung totoo. Kasi ako namiss din kita."

Kung sabihin nyong medyo O.A kami ok lang kasi mukhang weird.

hours lang naman ang binilang na hindi kami nagkita ehh.. pero ganoon na nga talaga siguro kapag mahal nyo ang isa't isa.

"teka lang ha.. ikaw ba yung may pakana nun?"

Tinuro ko yung board namin. Napakamot lang sya ng batok at nakangiting tumango sa akin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon