IT'S YOU Chapter 5

42 3 0
                                    

IT'S YOU Chapter 5

Prince Lazarus's POV.

Mabilis ang naging byahe ko pabalik sa mall. Agad akong pumasok sa loob. Naabutan ko si Cassandra na tumitingin at namimili ng damit sa isa sa mga sikat na boutique.

Agad akong lumapit sa kanya. tumabi ako sa kanya at nagstart na maningin ng mga damit doon, unisex kasi yung pinasukan nyang boutique.

"You better explain yourself kung bakit kailangan mo akong takbuhan kanina."

Sabi nya habang nakatuon parin ang pansin sa mga damit na pinipili nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. mataray ang tono ng pananalita nito.

Hindi ako sumagot sa tanong nya. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Humarap sya sa akin kaya napaharap din ako sa kanya, tinaasan nya ako ng kilay.

"sana hindi ka nalang sumama sa akin kung pag dating natin dito eh iiwan at tatakbuhan mo lang ako."

Nag cross arms ako sa kanya.

"Caz. Boyfriend mo ako, at hindi alalay, hindi naman tama na pagbitbitin mo ako ng mga paper bags ng mga pinamili mo."

Napairap nalang sya sa hangin at binalik ang atensyon sa mga damit na pinipili nya.

"Obligasyon mo 'yun, Boyfriend kita."

Bumalik na din yung atensyon ko sa pagpili ng damit.

"basta, ayoko ng ganun, kung ayaw mong mangawit sa mga dala mo, isama mo yung bodyguards mo. Wag ako. Ok?"

Hindi naman na sya nagsalita matapos nun. Lumabas na kami ng boutique matapos naming mabili yung mga gusto namin.

"bigla kang nawala kanina sa national bookstore nung hinahanap kita. Saan ka nagpunta?"

Tanong nya sa akin habang papasok kami sa restaurant.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya, hindi ko pwedeng sabihin na may dinala ako sa Hospital namin kaya nagisip agad ako ng pusibleng dahilan na paniniwalaan nya.

"ahh.. nag CR?"

Naisagot ko nalang.

"NagCR ng ganoon katagal? Really?"

Tumango ako.

"y-yun ang totoo."

"sabi mo eh. Order ka na, kung ano ang sa'yo, 'yun nalang din ang s akin."

"ikaw nalang ang kumin. Busog ako."

Ang isang 'yun ay totoo dahil kumain naman na talaga ako kanina kasabay sila Nathalie.

"hindi ka pa nagb-breakfast di'ba? Tingnan mo, ang payat mo na."

Sabi nya sabay hawak sa pisngi ko sabay kurot.

"tigilan mo nga ako."

Naiinis kong sabi sa kanya. umupo na kami sa isa sa mga bakanteng upuan doon. Sya nalang ang kumain at hindi naman na nya ako pinilit pa na kumain, matapos noon ay namasyal pa kami ng kaunti at umuwi nadin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan yung babae na dinala ko sa Hospital kanina. Hindi ko alam kung normal pa ba ito pero gusto ko ulit syang makausap, gusto ko ulit syang Makita. Napakaganda nya, simple lang, walang arte sa katawan. Isa 'yun sa mga gusto ko sa isang babae.

Nathalie Kim's POV.

sobrang lamig ng klima ngayon. Kaya naman isa 'yun sa mga naging dahilan kung bakit ayaw ko pang bumangon, sobrang nakakatamad kasi. Napakalakas pa ng ulan ngayon sa labas.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon