IT'S YOU Chapter 101

13 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 101

Celso's POV.

[PLEASE PLAY SORRY BY: THE ROSE (IT'S YOU OST PART 4) FOR THIS PART]

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi. Napalitan iyon ng labis na pagaalala sa kung ano ang nais nyang sabihin sa akin.

Sana ay mali ang aking hinala...

"y-yung nararamdaman mo para sa akin... ay hindi parehas sa kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo." Umiiyak na sabi nya sa akin.

"a-anong ibig mong sabihin Nathalie?" maluha-luha ng tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang ibig sabihin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. napayuko nalamang ako habang hawak parin ang kanyang mga kamay. Napahagulgol ako sa pagiyak. Ibinawi nya ang mga kamay nya mula sa aking pagkakahawak ngunit agad ko iyong hinawakan bago pa sya tuluyang umalis. lumuhod ako sa kanyang harapan habang umiiyak.

"Please Nathalie.. sabihin mo sa akin kung ano ang ibig sabihin mo sa s–sinabi mo." Pagmamakaawa ko pa. "Ano ba ang nararamdaman mo para sa akin?"

Ibinaling nalamang nya sa iba ang tingin habang lumuluha. Tumingin sya sa akin.

"K-kuya ayaw kitang saktan pero... patawad.. yung gusto mong mangyari? Hindi 'yun yung gusto ko para sa ating dalawa.. m-may mahal na akong iba. hindi ikaw 'yun. Yung kung ano ang relayon nating dalawa ngayon, Masaya na ako dun. Sorry pero, humihingi ako ng respeto sa kung ano yung desisyon ko para sa ating dalawa."

Lumuluhang sabi nya matapos ay marahang inalis ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay.

Para akong binuhusan ng mainit na tubig, daig ko pa ang nakuryente na derekta sa puso.. ganun kasakit. Or maybe mas masakit pa. unti-unting na-gugunaw ang mundo ko. nawawalan ako ng lakas upang muling kunin ang mga kamay nya pabalik sa pagkakahawak ko. halos hindi ako makahinga ng malalim kahit alam ko na 'yun lamang ang tanging paraan para sa kahit maigsing pagkakataon ay guminhawa ang pakiramdam ko.

"I'm sorry." Ang sabi pa nito bago tuluyang tumalikod sa akin at naglakad papalayo.

Naiwan akong nakaluhod at umiiyak. Masiglag dumadaloy ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Yung kasiyahang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng lungkot.. isang matinding lungkot na ang tanging paraan lamang para mapawi ay magustuhan ako ng taong gusto ko.

Wala na bang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon? Ang halos lahat yata ng klase ng sakit ay naramdaman ko na. ano pa ba ang mas bibigat sa nararmdaman ko sa mga oras na ito? ang buong akala ko ay natagpuan ko na yung tunay na babae na magpapaligaya sa akin sa kabila ng sakit na mayroon ako.

[PLEASE PLAY I LIKE YOU BY: DAY6 (IT'S YOU OST PART 8) FOR THIS PART]

Marahan akong tumayo at hinarap ang karagatan. Dama ko sa aking balat ang dampi ng bugso ng hangin na nagmumula sa silangan. Umupo ako malapit sa pangpang na kung saan naaabot ang hangganan ng tubig. Sapat na upang mabasa ang aking mga paa.

Ngayon ko napatunayan na puro lang talaga lungkot ang mararamdaman ko sa tuwing pupunta ako sa lugar na ito.

Sa kabila ng aking pagmumuni ay nagring ang aking cellphone sa bulsa ng aking uniform. Walang gana ko itong kinuha at tinignan ang screen. Napabuntong hininga nalamang ako ng Makita kung sino ang tumatawag. Huminga ako ng malalim at nag-clear pa ng throat upang masiguro na maayos ang aking boses mula sa kabilang linya.

"H-Hello Dr. Oh?" pinilit kong maging jolly ang tono ng aking boses.

"salamat naman at sumagot ka sa tawag ko sa oras na ito. ang akala ko ay i-iignore mo nanaman ng tawag ko tulad nung mga nakaraan." Natatawang sabi pa nya mula sa kabilang linya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon