IT'S YOU Chapter 131

21 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 131

Nathalie Kim's POV.

At dahil hanggang sa buwan ng pebrero ay winter parin, malamig parin ang panahon ngayon. Kaya naman makapal ang suot ko. kasalukuyang umuulan ng niyede habang naglalakad ako papasok sa school. Hinintay ko pa kasing makalayo ang sasakyan ni Kuya Celso bago makapasok ng School.

Hindi naman ganun kalakas ang pagulan. Katamtaman lamang ito. sinuot ko sa aking ulo ang hoodie jacket upang hindi malagyan ng mga niyebe ang ulo ko.

Habang naglalakad sa pathway ng school patungong building ay hindi ko maiwasang mailibot ang aking paningin sa kabuuan ng aking nakikita. Napabuntong hininga ako.

Ang eskwelahang Joongdong. Bagama't kaunting panahon lamang ang pinamalagi ko sa paaralang ito, masasabi kong marami akong karanasang hindi makakalimutan dito.

Halo-halo ang mga iba't-ibang pangyayari sa paaralang ito na magsisilbing ala-ala nalamang sa akin pag dating ng panahon.

Ang school building at ang aming room, ang math park, ang field, ang canteen, ang gym. Maraming lugar sa paaralang ito na kapag nakikita ko palang ay nanunumbalik na sa akin ang mga ala-alang napakasarap balikan.

May mga masayang memories ngunit hindi mawawala yung mga ala-alang nakakapangilabot at nakakalungkot. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko maitatanggi na malaki ang naging bahagi sa akin ng Joongdong. Mami-miss ko ang school na ito. ang lahat-lahat ng mayroon sa school na ito.

"ALIE!" napalingon ako mula sa aking likuran nakita ko si Pretty na tumatakbo papalapit sa akin.

"good morning! Sabay na tayong pumasok sa room." Ang sabi nya habang yumayakap sa akin. Nakangiti ako habang ginagawa nya iyon.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hindi ko din makakalimutan yung mga taong nakasama ko sa mga masasayang ala-alang hindi ko nais makalimutan.

Si Pretty, ang babaeng sobrang napalapit sa akin, sa una akala ko maarte, pero sobrang lambot ng puso at napakabait, mapagmahal sa kaibigan, at matalino kung magisip. Napakasaya nya noon, para bang walang problema, nun pala may pinagdadaanan. Sobrang nasaktan nung mga panahong gusto pa nya si Tim. Pero hindi ako makapaniwalang mahahanap nya ang tunay na pagmamahal sa isang playboy na student council president na si Oscar.

Habang sabay kaming naglalakad ay sumalubong sa amin si Oscar na nakasimangot. Nakatayo sya sa entrance ng school building.

"oh bakit?" natatawang tanong ko habang nakatingin sa nakabusangot na mukha nito. Mas lalo pa syang napasimangot

Inis nyang pinaghiwalay ang pagkakayakap ni Pretty sa akin at sya naman ang yumakap kay Pretty.

"ano ba!?" inis na sabi ni Pretty sa kanya.

"eh nagseselos ako eh! Si Alie niyayakap mo pag nakakasalubong mo sa umaga. Tapos ako hindi! Ang unfair mo!" nakasimangot na sabi nito.

"sus!? Wala sa lugar ang pagseselos mo! hihiwalayan kita kahit mahal na mahal kita eh." natatawang sabi pa ni Pretty habang humihiwalay mula sa pagkakayakap ni Oscar. Muling lumapit sa akin si Pretty at inakbayan ako.

Nagptuloy na kami sa paglalakad papasok sa loob ng building.

Si Oscar. Tulad ng sabi ko, isang playboy pero naging matino nung mga panahong naging sila na ni Pretty. Bukod sa makulit ay sobrang masayahin, masayang kasama at mapagkakatiwalaan. Magmula nang magustuhan nya si Pretty ay hindi na sumuko pa sa panliligaw. Bilib ako sa pagtitiis na mayroon sya, dahil nahintay nya si Pretty ng halos 3 years!

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon