IT'S YOU Chapter 52

27 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 52

Nathalie Kim's POV.

Monday nanaman. Isang normal na araw. Dati kapag dumarating ang araw na ito excited akong pumasok sa school. Ngayon naman parang gusto kong magkaroon ng powers na pahintuin muna ang oras. Hindi pa ako handang Makita si JB— ay!.. tsk. Bakit ba tinatawag ko pa syang JB kahit hindi naman 'yun ang pangalan nya? dapat siguro ay sanayin ko na ang pagtawag sa kanya na Lazarus.

'yun nga hindi pa ako handa na Makita ang tao na iyon, iniimagine ko palang na mags-sorry sya ay nad-durog na ang puso ko. alam ko naman kasi na hindi ko sya kayang hindi patawarin... mahal ko eh... pero hindi ko parin maiwasan na isipin si Cassandra... paano na sya? Ayaw na nya akong maging kaibigan... kailangan kong humingi ng tawad sa kanya para bumalik ang closeness namin sa isa't-isa. Sana ay mapatawad nya ako.

Pero paano nya akong mapapatawad kung mahal ko yung taong mahal nya? sa sitwasyong iyon alam kong mahihirapan akong kunin muli ang loob nya.

Nagb-bike ako ngayon papuntang school kahit ayaw ko pang pumasok. Regalo sa akin ni Papa ang bike bago sya umalis. Sabi nya para daw hindi na ako mahirapang maglakad lagi. Mayroon din syang niregalong bike para kay Darius.

Ng makarating ako sa school ay agad kong pinark yung bike ko sa parking lot at naglakad na papuntang room.

Maaga pa halos kaya wala pang tao sa room bukod kay.... Pretty.

Agad syang umayos ng upo ng makita ako. umupo ako sa tabi nya. nagulat ako ng bigla nya akong yakapin mula sa gilid.

"Bess.... Miss na miss na kita!!" naiiyak na sabi pa nito..

"galit ka pa ba?"

Agad itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin. Maluha luha nanaman sya.

"bakit hindi mo ako nirereplayan sa mga text ko? bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? galit ka pa ba ha? Sorry na! alam mo ba? Hindi ako halos nakatulog ng dalawang gabi kakaisip ng paraan kung paano ako hihingi ng tawad sa iyo!"

Natawa nalang ako ng bahagya habang tumitingin sa kanya. maiiyak na talaga sya at halatang nagpipigil lang.

"ano? Magsalita ka naman! 'Wag mo akong tawanan diyan at iiyak na talaga ako!"

Naka cross arms na sabi pa nito. Natawa nalang ulit ako dahil sa itsura nya. hindi talaga ako sanay na humihingi sya ng tawad. First time ko syang nakitang ganyan.

"ano? Napatawad mo na ba ako? ibig sabihin ba ng pagtawa na 'yan pinapatawad mo na ako?" nangingiting sabi pa nya sa akin. Tumingin lang ako ng seryoso sa kanya.

"Hindi." Walang emosyong sabi ko dahilan upang mapasimangot sya, tuluyan ng bumagsak yung mga luhang kanina pa naka ready sa mga mata nya. agad ko syang niyakap mula sa gilid habang tumatawa.

"'wag ka na ngang umiyak! Ang ibig kong sabihin, hindi... hindi ko kayang magalit sa iyo ano ka ba." Agad akong humiwalay ng pagkakayakap sa kanya. ngi-ngiti ngi-ngiti nya akong tiningnan habang nagpupunas ng luha.

"talaga? hindi mo kayang magalit sa akin? ibig sabihin... bati na tayo?" naiiyak parin nyang sabi. Agad kong pinunasan yung mga luha sa pisngi nya gamit yung panyo ko.

"halla! oo nga. Bati na tayo huwag ka ng umiyak ok?"

"expected ko kasi talaga hindi mo na ako papansinin."

"pwede ba naman 'yun? Eh halos ikaw nga lang ang close na close ko dito sa school. Nagalit ako pero wala na ngayon.." nakangiting sabi ko sa kanya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon