IT'S YOU Chapter 27

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 27

Prince Lazarus's POV.

Agad naman syang tumingin sa akin at naka pamewang.

"Mag promise ka muna sa akin na wala kang gagawing masama sa akin! Nagkakaintindihan ba tayo JB?"

"Oo nga Promise!" Sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay.

Matapos noon ay umupo na ako sa kama ko sa bandang kanan.

"Ano ba yung mga binili mong papanuorin?" Tanong pa nya..

"The conjuring, insidious chapter 3, sinister 2, the gallows, tsaka paranormal activity yung the ghost dimension.." Sabi ko habang binibilang sa mga daliri ko.

"Ano namang gusto mong unahin dun?" Tanong nya ulit.

"Ano bang gusto mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya..

"ikaw nga ang tinatanong ko eh... The Gallows nalang muna siguro." Sabi nya habang natatawa-tawa pa. Nakatayo parin sya malapit sa pinto halatang takot na takot na lumapit sakin.

"Hahaha lumapit ka kaya dito?" natatawang sabi ko sa kanya.

At 'yun nga lumapit naman sya.. kaso nakatayo parin sya sa gilid ng kama ko at hindi man lang umupo sa tabi ko.

"The conjuring nalang kaya muna!?" Ako 'yan.

"'Di ba parang mas maganda yung sinister 2?" excited na sabi nya.

"Sige sinister 2 muna." Sabi ko.

Agad akong tumayo para i-play yun sa dvd player ko.

At ng mag start ng mag play yung movie agad akong sumandal sa head boarder ng kama.

At sya? nakatayo parin at naka tingin dun sa TV.

"Ayaw mo bang maupo? dito ka sa tabi ko oh." Sabi ko habang pina-pat yung tabi kung saan ako nakaupo tumingin lang sya sakin.

"Bahala ka baka kapag may mumu na, wala kang mayakap pag nagulat ka!" Natatawang pagpapatuloy ko.

"Hindi ako yayakap sayo noh!" Pairap nyang sabi sabay tingin sa side.

"Talaga lang ah?"ngingisi-ngisi pang sabi ko. Dahan-dahan naman syang umupo sa tabi ko at sumandal din sa head boarder ng kama.

yung mga sumunod na nangyari eh. hindi na kami nagsalita at nanood nalang.

Tsk. Nakakatakot pala talaga 'to. Sound effects palang kinikilabutan na ako. takot pa naman ako sa mga ganyan. pero dahil 'yan ang gusto ni Alie, mukhang wala na akong magagawa pa doon.

Maya maya ay narinig ko syang tumawa ng malakas. dahilan para tingnan ko sya. Ano bang nakakatawa sa pinanonood namin? Horror ito at hindi Comedy!

"Ohh?" Ako 'yan.

"Hahahahaha.. natatakot ka noh?" Sabi nya habang itinuturo ang mukha ko. nainis naman ako sa ginawa nya

Oo na.. aaminin ko na takot ako sa mga multo. Talagang tiniis ko lang dahil alam kong gusto nya ang mga horror Movies.

"H-hindi kaya." pagsisinungaling ko pa habang tumitingin sa TV.

"Talaga? Hahaha.." Pang aasar nya.

"Oo nga.. tsk." Sabi ko sabay cross arms.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon