IT'S YOU Chapter 62

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 62

(PAALALA AT PAUNAWA, may mga maseselang karahasan sa Kabanatang ito.. hindi ko po pinapayuhan ang bawat isa na gayahin ang mababasa nyo ^_^. Maraming salamat!)

Pretty Lalaine's POV.

"OH GOSH!" nasambit ko nalamang matapos makapa ng paa ko ang preno. Malapit lang kami sa van na natumba.

"SI ALIE!" agad na sigaw ni Oscar. Mabilis kaming bumaba ng kotse at nagtungo sa nakahilis na van.

Bago pa man kami tuluyang makalapit sa van ay biglang bumukas ang pinto noon sa bandang drivers seat. Napaatras kami ng isang hakbang ng makitang ang bumaba doon ay may hawak na baril at agad nya itong tinutok sa derksyon namin. Inalis nya ang cap nya at napansin kong dumudugo na ang ulo nito.

Labis pa akong nagtaka kung bakit nakamaskara ito ng itim dahilan upang maitago ang kanyang mukha.. kanina naman kasi ay walang mga naka mascara na suot yung mga lalaking bumaba sa va nung kinuha nila si Alie.

"kung ano man ang pakay mo sa kaibign namin. Huwag mo ng ituloy, nagaaksaya ka lang ng oras at panahon. Kailangan na namin syang ilabas dyan sa van at baka kung napano na sya." Seryosong sabi ni Oscar sa kanya.

Narinig ko ang nakakakilabot nyang tawa.

Kanina pa ako titig na titig sa lalaking ito... para talaga syang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na sya noon pa. sa mga mata palang nito. Para talagang nagtagpo na yung landas namin noon pa. hindi ko lang maalala kung kailan at saan. Basta parang nakita ko na sya.

"pamilyar sa akin ang boses nya." dinig kong bulong ni Oscar sa akin.

"ako din." Sabi ko habang nakatingin lang sa lalaking nakatayo sa harap namin.

"ikaw!" dinig kong sabi nya habang nakaturo sa akin gamit ang baril nya. napaka-ma-autoridad ng boses nya.

"lumapit ka sa akin kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng kasama mo." Nakakatakot ang boses nya. hindi ko maiwasang kabahan at mapatayo lahat ng balahibo ko dahil sa kabang nararamdaman ko. matapos nyang sabihin 'yun ay tinutok nya ang baril kay Oscar.

"huwag mong gawin 'yan." Naiusal ko nalang.

"kung ayaw mong gawin ko ang bagay na 'yun lumapit ka na lang." seryosong usal nya. napaka seryoso ang mga mata nya na sobrang nakakatakot. Parang nakita ko na talaga sya noon.

Mukhang no choice ako kaya napapairap nalang akong humakbang papalapit sa kanya. ngunit bago pa mangyari 'yun ay agad na hinarang ni Oscar yung kamay nya sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"huwag kang lalapit sa kanya.." seryosong sabi sa akin ni Oscar sabay lingon sa lalaking ngayon ay nakatutok parin ang baril na hawak nya kay Oscar.

"mapipilitan akong gawin 'to kapag hindi ka lumapit sa akin."

Seryoso akong tumingin kay Oscar. Naiiyak na ako sa mga nangyayari.

"hayaan mo nalang kasi akong lumapit. Ok?" naiiyak ng sabi ko sa kanya.

"eh paano kapag may ginawa syang hindi maganda sa 'yo? Ha?" Nagaalala ang tono ng kanyang pananalita.

"papatayin ka nga nya pag di ako lumapit!" nagagalit na sabi ko a kay Oscar. Wala na syang nagawa ng tabigin ko ang mga kamay nya na na nakaharang saa daraanan ko. tinitigan ko muna sya. At halatang naluluingkot at nagaalala sys a pwedeng mangyari sa akin. Walang magawa ang expression ng mukha nya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon