IT'S YOU Chapter 110

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 110

Prince Lazarus's POV.

"anong sinabi mo sa kanya? binantaan mo rin ba sya na lumayo sa akin? Sinabi mo ba sa kanya na ikakasal na ako at wala na akong pakielam sa kanya ganun ba?" halos maluha ako habang nakatingin kay Mom. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Sinabi mo bang ayoko na sa kanya? Mom ano bang iniisip mo? your crossing the line." Galit na sabi ko sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha.

"anong iniisip ko? Lazarus gumagawa ako ng paraan para ma-secure ang future mo! gumagawa ako ng paraan para hindi ka mapariwara at umayos ang buhay mo." paliwanag nya sa akin.

"lintik na future 'yan Mom! Hindi mo ako iniisip, wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo! gusto mong magpayaman Mom! 'Yun lang, kahit kailan hindi mo inisip na nahihirapan na ako.." umiiyak na sabi ko pa sa kanya. "kahit kailan hindi mo iniisip na masasaktan ako. kasi selfish ka. gusto mo lang magpayaman kailangan mo pa akong gamitin? Kailangan mo pa akong ipakasal sa babaeng hindi ko mahal. Anong klase kang ina?"

Sinampal nya ako. isang malakas na sampal dahilan para matigilan ako.

"matapos kitang palakihin ay ganyan ang igaganti mo sa akin? Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo kung anong klase kang anak?" sigaw nya pa sa akin.

Marahan akong tumingin sa kaya.

"Mom. Huwag mong asahang sangayon ako pagdating sa bagay na ito. nasilaw ka nanaman sa pera. Mom mahal kita, huwag mo naman sanang hayaang tuluyang magbago ang nararamdaman ko para sa iyo. Mom please lang magisip ka! ayokong mangyari yung nangyari sa inyo noon ni Dad. Huwag nyo akong ipakasal sa babaeng hindi ko gusto."

Aalis na sana ako sa kanyang harapan ngunit pinigilan nya ako. hinawakan nya ang aking braso dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.

"p-pero ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay makakabuti para sa iyo." Maluha-luhang sabi nito.

Umiling ako.

"kung nabubuhay si Daddy, nakakasiguro akong hindi din sya sangayon sa desisyon mong ito. mahal na mahal ko si Alie Mom.. parte na sya ng buhay ko.. sa ginagawa mong ito para mo narin akong pinapatay." Galit na sabi ko sa kanya matapos ay tinabig ang kamay nya na nakahawak sa aking braso at umalis na.

Nagmamadali ako habang naglalakad papalabas ng aming gate. Kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha.

Matinding galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, sarili kong magulang ang pilit na naglalayo sa babaeng gusto ko. wala nang mas sasakit pa doon.

Habang naglalakad ay nakabuo na ako ng desisyon. Ano man ang mangyari ay dapat maging matapang ako. hindi ako dapat magpakaduwag sa sitwasyong ito. kailangan ako ni Alie. Kailangan ko sya. Ano man ang maging consequence ay matapang kong haharapin.

Pipiliin ko si Alie dahil sya ang mahal ko.

[PLEASE PLAY LET GO BY: BTS (IT'S YOU OST PART 5) FOR THIS PART]

Ng makalabas ng gate ay agad akong nagabang ng taxi. Habang wala pang nagdadaan ay agad kong denial ang number ni Alie... matapos lamang ang dalawang ring ay sinagot nya ito.

"H-Hello? Alie? Nasaan ka?" tanong ko. patuloy parin sa pagluha ang aking mga mata.

Natagalan bago sya sumagot, may mga narinig akong hikbi mula sa kabilang linya dahilan para magalala ako. bago pa man sya makasagot ay inunahan ko nanaman sya ng tanong dahil sa aking pagaalala.

"u-umiiyak ka ba? Nasaan ka? pupuntahan kita Alie." Napapakagat sa daliring sabi ko habang nakatingin sa daan, umaasang may darating nang taxi. Hindi parin humihinto ang mga luha ko sa pagtulo mula sa aking mga mata

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon