IT'S YOU Chapter 66

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 66

Daffny Yap's POV.

"tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mong babae ka! Alam mo namang mas mahalaga ka kaysa sa crush ko noh, kaya kung ang pagkakabalahan ko lang ay ang crush ko, malamang mas pipiliin ko ng sumama sa 'yo noh."

Napangiti nalamang ako sa sinabi nyang iyon. Alam ko naman na bestfriends parin bago ang lahat. ganyan si Andrea.

"sige na, alam ko naman na kahit anong pilit ko ay wala talaga akong magagawa sa 'yo. Magingat ka nalang sa pagd-drive pauwi ah? Wala ka pa namang license, tawagan mo ako pag nakauwi ka na ah? salamat sa paghahatid sa akin sa mall." Hinalikan ko yung cheeks nya sabay bukas ng pinto ng passenger seat ng kotse narinig ko pa ang pagusal nya ng "eww" dahil sa pag kiss kong iyon sa kanya.

"ikaw din mag ingat ka! Bye sis!" nakangiti nyang sabi ng makababa ako sa kotse nya. matapos naming magpaalam sa isa't-isa ay tuluyan na syang umalis at naglaho sa paligid. Ako naman ay nagsimula ng maglakad papasok ng entrance ng mall.

Nagderetso ako ng national book store dahil kailangan kong bumili ng mga materials para sa gagawinn kong project sa school. Oo.. bukod kasi sa exam ay may project pa akong pinagkakaabalahan.. Matapos kong mamili ay nagpunta ako sa isang fast food restaurant para kumain na ng hapunan bago bumalik muli sa school.. Ng maka order ako ay agad akong naghanap ng bakanteng upuan para makakain.

Napasimangot nalamang ako ng makitang isa nalamang ang bakanteng table para makakain ako ng maayos. Alam kong dapat ay matuwa ako dahil may bakante pa pero napapaligiran kasi yung table na 'yun ng mga love birds, sa kaliwa, kanan, maging sa bawat gilid.. kailangan ba talagang sadyain ng tadhana na ipamukha sa buong mundo na magisa lang ko at walang love life?

Napapairap nalamang ako habang naglalakad patungo sa bakanteng table. Pinilit ko nalang hindi tingnan ang mga couples na sobrang sweet sa isa't-isa. Inisip ko nalamang na ang importante ay makakain ako at mabusog!

Ng makaupo ay nagsimula na akong kumain... dere-deretso ang pagsubo ko. ganon kasi talaga ako kumain... lalo na pag gutom.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya naman nahinto ako sa pagkain at naiinis na kinuha ang cellphone ko sa loob ng aking Bag pack. Ng makuha ko ang cellphone ko ay agad kong binuksan iyon. Bahagya pa akong nangiwi ng makitang si Tim ang wallpaper ng aking phone.

Yes. I admit na until now sya parin.. ano ang magagawa ko? mahal ko pa eh. Tanga na kung tanga. 'yun talaga ang love. Kahit sinaktan ka na as long as mahal mo pa.. baliwala yung sakit na 'yun.. I really miss him so bad. Kung pwede nga lang akong sumama noon sa US para sa kanyang surgery. Until now I always thinking of him. Kung kumusta na ba sya? May girlfriend na kaya? Magaling na kaya sya? Mababaliw ako sa tuwing iisipin ko na ako nagaalala sa kanya... pero sya kaya ay ganoon din sa akin? Expected ko naman ng hindi kasi una sa lahat nang makipag break sya sa akin noon ay ang sabi nya ay hindi na nya ako mahal. Kaya hindi na ako umaaasa pang magaalala ang isang iyon sa akin. I tried to moved on. I really did. Pero kasi ang hirap... matagal nang nangyari 'yun pero bakit hanggang ngayon sya parin yung gusto ko? eh halos ang dami ng lalaki na nanliligaw sa akin na mas better pa kaysa sa kanya. sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong love life.

Sa totoo lang ay ayoko na ng ganito. Sawa narin ako. kung magpakita nga lang sa akin si genie one time hihilingin ko talaga na mawala na yung feelings ko pra sa lalaking iyon, pero the more I tried to forget him, the more na nahihirapan ako. after ng break up namin hindi ko na sya talaga kinausap dahil ayaw ko na magmukhang tanga na humahabol pa sa kanya. nilaan ko ang atensyon ko sa ibang bagay just to forget him. Pero tulad nga ng sabi ko. mahirap kalimutan ang taong minsan ng nagpasaya sa iyo na hanggang ngayon ay may feelings ka parin para sa kanya.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon