IT'S YOU Chapter 50

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 50

(PAALALA AT PAUNAWA, may mga maseselang salita at karahasan sa Kabanatang ito.. hindi ko po pinapayuhan ang bawat isa na gayahin at ugaliing sabihin ang mga salitang mababasa nyo ^_^. Maraming salamat!)

Pretty Lalaines's POV.

"alam mo naman kung sino ang gusto ko hindi ba? Sorry. Hanggang kaibigan lang ang turing ko para sa iyo. Hindi kita gustong saktan. Gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Mahal ko si JB. At sasagutin ko na sya sa panliligaw nya sa akin. I'm really sorry Tim. Kaibigan lang ang relasyon na kaya kong iparamdam sa iyo."

Napaatras ako ng isang hakbang sa sinabing iyon ni Alie. Hindi ako makapaniwalang balak na nyang sagutin si Lazarus. Paano kapag nalaman na nya ang totoo? Posible kayang magbago ang desisyon nya? tiningnan ko ang reaklsyon ni Lazarus at halatang hindi parin sya makapaniwala sa nakikita nya.

Muling bumaling ang atensyon ko kay Alie at Tim. Napatingin nalamang sa ibang dereksyon si Tim habang hawak hawak ang kanyang noo. Masiglang dumadaloy ang mga luha nito mula sa kanyang mga mata na labis kong ikinalungkot. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko. mabilis naman akong niyakap ni Oscar at itinalikod ako upang hindi ko Makita si Tim.

Nakakalungkot lang dahil hindi ako yung babaeng iniiyakan nya, na hindi ako yung babaeng nireregaluhan nya ng mga kung ano-ano. Hindi ako yung babaeng pinapangarap nya. hindi ako yung babaeng gusto nya!

Niyakap ko nalang si Oscar pabalik at humagulgol sa pagiyak. Kung pwede lang ilipat yung pagmamahal ko ay ginawa ko na. gusto kong si Oscar nalang ang lalakeng kinababaliwan ko at hindi sya! Napakabait ni Oscar. Kahit alam nyang hindi sya ang gusto ko ay nandiyan parin sya para saluhin ako lalo na sa mga sitwasyong ganito.

Bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't-isa. Napatingin kami kay Lazarus na galit na galit na nakatuingin lamang kay Tim. Naglakad si Lazarus papalapit sa kanya.

"J-JB?" naiusal nalamang ni Alie ng makita nya si Lazarus.

Ikinabigla ko ang sumunod na nangyari.

Sinapak ni Lazarus si Tim dahilan upang mapahiga ito sa sahig.

Mabilis na kumilos si Oscar upang awatin si Lazarus. Agad nyang inilayo ang gigil na gigil na si Lazarus kay Tim na pinipilit na makatayo.

"GAGO KA TOL!! IKAW SI MIT? YUNG SECRET ADMIRER NI ALIE?" galit na sabi ni Lazarus kay Tim. agad na nilapitan ni Alie si Tim upang tulungan itong makatayo.

"ALAM MO NAMAN NA SA AKIN NA SYA HINDI BA? ALAM MONG NILILIGAWAN KO SI ALIE PERO ANO ITONG GINAGAWA MO? Sa dinami-rami ng lalaki diyan na posibleng mag kagusto kay alie ikaw pa pala na mismong kaibigan ko!?" sarkastiko syang natawa sa huli nyang sinabi. nanlalaki ang mga matang sabi ni Lazarus sa kanya na halatang hindi pa makapaniwala hanggang ngayon.

Ng makatayo si Tim ay tumingin lamang sya kay Lazarus matapos ay nag smirk.

"makapagsalita ka naman ang akala mo kayo na ni Alie. Hindi ako magpaparaya sa iyo. Mahal ko si Alie, Wala akong pakealam kung masira ang pagkakaibigan natin. Pag dating sa babaeng mahal ko, wala ibang mahalaga pa sa akin bukod sa kanya. hindi na importante sa akin ngayon ang pagkakaibigan natin ngayon. Hinding-hindi ko hahayaang mapasaiyo si Alie. Hindi nya deserved ang manloloko at sinungaling na katulad mo!.... Lazarus!"

Halos mapaatras ako ng isang hakbang ng tawagin ni Tim si Lazarus sa tunay nyang pangalan kahit nakaharap si Alie. Agad akong tumingin kay Alie na halatang gulong gulo na sa nangyayari.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon