IT'S YOU Chapter 51

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 51

Nathalie Kim's POV.

Patuloy lamang ako sa pagtakbo papalayo sa kanila. Hanggang sa makalabas ako ng school at makarating sa isang park malapit lang din sa school. Madilim na dito at tanging mga ilaw lang sa bawat posting dinadaanan ko ang nagsisilbing liwanag sa dinaraanan ko. napagdesisyunan ko munang umupo sa isa sa mga benches na naroon.

Wala na halos akong Makitang tao na nandito. Siguro heto nga talaga ang tamang lugar para umiyak ako. sa tingin ko ay heto ang tamang lugar para ilabas ko ang lahat ng sama ng loob at galit na nararamdaman ko.

Iyak lamang ako ng iyak. Malakas na ang hagulgol ng pagiyak ko. sinadya ko iyon dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. ok lang naman kase na magmukha akong tanga dito dahil ako lang naman ang tao dito.

Nagsinungaling sa akin si JB, pati narin si Pretty na malapit kong kaibigan, pati si Oscar at maging si Darius at Tim. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mga tao sa paligid ko. nakakagalit lang dahil kailangan pa nilang itago sa akin ang totoo para lang sa isang walang ka-kwenta-kwentang bagay.

Nagsinungaling sa akin si JB dahil natatakot sya na baka kapag nalaman ko ang tunay nyang pagkatao ay layuan ko sya? dahil lang may balak na masama si Cassandra sa akin? Sa tingin ko ay hindi naman iyon ang sapat na dahilan upang gawin nya ang bagay na iyon. Inisip nya na baka matakot ako sa maaaring gawin ni Cassandra sa akin at layuan sya?

Hindi naman ganoon kabigat ang kasalanang ginawa nya pero masakit para sa akin na itago nya ang tunay nyang pagkatao. Maging ang Lolo Lux, ate at Mommy nya ay idinamay pa nya sa kalokohang ito?

Mahigit dalawang buwan kong hinanap at inalam kung sino ba talaga si Lazarus. Na kung ano ba ang itsura nya. pursigido pa naman ako na maging tulay upang magkabalikan ulit si Cassandra at Lazarus. Pero hindi ko expected na yung lalaking pinipilit kong itulak sa iba ay yung lalaking mahal ko. paano na ang gagawin ko ngayon? Galit sa akin si Cassandra at pakiramdam nya ay nagsinungaling ako sa kanya noon palang simula ng maging magkaibigan kami. Ang labas ko ngayon ay nagagaw ng may boyfriend ng may boyfriend. Totoo pala ang tsismis noon pa. na ako at si Lazarus ay may namamagitan sa isa't-isa. Kung ako man ang nasa posisyon ni Cassandra ay tiyak na magagalit din ako.

Ang tinutukoy pala ni JB na girlfriend nya at binreak nya ay si Cassandra na bestfriend ko. at mas lalo lang akong naiinis at nagagalit kapag naiisip kong nagmukha akong tanga noon palang.

Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang kasunod ng mga pangyayaring ito. dapat na ba akong tumigil sa pagiging tulay sa pagitan ni Lazarus at Cassandra? Ano ang magagawa ko para maging ok ulit kami ni Cassandra?

Sa kabila ng pagmumuni-muni at pagiyak ko ay may narinig akong tawa ng mga lalaki hindi kalayuan sa akin. Agad akong napatingin sa dereksyon nila. Apat sila at mukhang mga sigain at mga nakainom pa. agad akong kinabahan. Takot pa naman ako sa mga lalaking lasing.

Halos lahat sila ay matatangkad. Patuloy lang sila sa pagtawa at pagasaran sa isa't-isa. Pinilit ko nalang na hindi sila pansinin dahil mukha namang hindi nila ako papansinin dahil masyado silang busy sa pagaasaran at pagtatawanan habang naglalakad. Mas pinili ko nalang na tumingin ng deretso at umayos ng pagkakaupo habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"oy.. mga pre.. chix oh!"

"High school girl oh. Masarap 'yan!" natatawang sabi pa ng isa.

Agad akong napatingin sa kanila. Halos lahat sila ay nakaingin sa akin at nakangiti. Ngiti na halatang may gagawing masama. Agad silang lumapit sa akin at pumalibot sa harap ko.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon