IT'S YOU Chapter 84

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 84

Nathalie Kim's POV.

Huminto na ang music sa living room, naunang nagpunta si Pretty sa kusina kaya naman hiniltak ko sya at niyaya sa isang sulok.

"hindi mo naman sinabi sa akin na pumupunta pala dito si Lazarus tuwing umaga." Pabulong ngunit may halong inis na sabi ko sa kanya.

"eh ano naman ngayon sa 'yo? Hanggang ngayon parin naman nagagalit parin ako sa ginawa nya sa 'yo, pero ibang matter 'to, kailangan naming mag practice at wala kang magagawa sa bagay na 'yun. Dedmahin mo nalang."

"sa tingin mo kaya ko? marinig ko nga lang ang boses nya at mapansin ang presensya nya kumukulo na ang dugo ko."

"manahimik ka na nga, ang sabihin mo hindi mo parin kayang mag move on dahil hanggang ngayon sya parin ang gusto mo, pilit mo lang tinatakpan ng pride mo yung totoong nararamdaman mo."

"what?" inis na sabi ko pa dito. nahinto na ang paguusap namin ni Pretty dahil nagsipasok na sa kusina ang mga lalaki.

Agad akong umiwas ng tingin at gumawa ng paraan para maiwasan ang mga titig ni Lazarus na agad dumapo sa akin.

"pinagluto tayo ni Alie ng breakfast? Naku! Mukhang masarap ang mga 'to ah. hehe mukhang mapaparami ang kain ko ngayon." Masayang sabi ni Oscar.

"talaga? luto lahat 'to ni Alie?" dinig kong masayang sabi ni Lazarus, piniit kong hindi sya tingnan muli.

"sa wakas makakatikim na ako ng luto nya." sabi pa nya habang pinagk-kiskis ang mga palad.

Umupo na ang lahat sa lamesa, aalis na sana ako at maliligo muna ngunit hindi ako nakaligtas kay Pretty.

"oy? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong nya.

"m-maliligo lang ako." sabi ko sa kanya, umiling iling lamang sya.

"ano ka ba, kumain ka nga muna, sabayan mo na kami, umupo ka na."

Napairap nalamang ako ng makitang ang bakanteng upuan nalamang ay ang upuan sa tabi ni Lazarus.

Napatingin ako sa kanya na halatang inaaral ang expression ko habang nakanguso pa, agad akong napaiwas ng tingin.

"hindi magiging kumportable si Alie kapag ako ang katabi nya. palit nalang tayo Pretty."

Buti alam mo!

Nagulat naman ang lahat habang napapatingin pa kay Lazarus.

Napangiti lamang sya sa lahat.

"galit pa sa akin si Alie, kung magtatabi kami baka hindi sya makakain ng mabuti at mainis lang sa akin." Walang pag-aalinlangang sabi nya.

Nagpalit na silang dalawa ni Pretty samantalang ako ay nanatili lamang sa ganung posisyon.

Sumenyas si Pretty na umupo na sa tabi nya, galit ang expression nito kaya wala na akong nagawa.

Nagsimula na kaming kumain. Nanatili akong tahimik habang silang lahat ay masayang nagk-kwentuhan. Napapadalas ang pagtingin sa akin ni Lazarus, mukhang pinagmamasdan nya ako habang kumakain.

"sa isang lingo na yung intrams ng school natin ah. anong sports mo Darius?" tanong ni Oscar sa kapatid ko.

"Volley ball kuya, nageensayo na kami tuwing hapon after ng school. Ikaw kuya Oscar?"

"Table tennis. Panuorin nyo laro namin ah?" paalala pa nya sa aming lahat.

"bigla tuloy akong na excite sa Intrams sweetheart, excited na akong panoorin kang mag tennis." Masayang sabi ni Pretty kay Oscar.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon