IT'S YOU Chapter 107

15 1 0
                                    


IT'S YOU Chapter 107

Daffny's POV.

[PLEASE PLAY SAY YES BY: SEVENTEEN (IT'S YOU OST PART 9) FOR THIS PART]

Mabilis na kumilos yung mga kasamahan namin upang tulungan si Tim na hirap na hirap na huwag lang bumagsak yung castle.

Ng pagtulong-tulungan naming muling itayo at muling itali yung castle sa mga bakal sa gawing bubong ng stage ay agad itong naayos at naibalik sa dati.

"sigurado ba kayong matibay na ang tali na iyan? baka bumagsak nanaman ha?" paalala pa ni Tim sa mga nagtatali.

Ng makasigurado na ang lahat na Malabo ng muling matumba ang castle ay agad kong kinuha yung first aid at lumapit kay Tim. Hinawakan ko yung kaliwa nyang kamay yung walang sugat at dinala sya sa ibaba ng stage sa mga chairs.

Umupo kami sa isa sa mga upuan na naroroon at maingat kong ginamot ang kanyang sugat.

"salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kanina. pero alam mo dapat hindi mo na ginawa yun, mas lalo pa tuloy lumala yung sugat mo. nahirapan ka lang." ang sabi ko habang nakatuon ang pansin sa kanyang sugat at ginagamot.

Nang hindi sya kumibo sa sinabi ko ay inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. halos mapakunot noo ako ng makitang para syang tanga na nakangiti at nakatitig sa akin.

Sa inis ko ay pinisil ko ang sugat nya. halos mapasigaw sya sa sakit.

"ok ka na ba? natauhan ka na?" pagch-check ko pa sa kanya habang inilalapit ang mukha ko sa kanya.

Pansin ko ang biglang pagkailang nya ng ilapit ko ang mukha nya sa aking mukha. Hindi sya halos mapakali.

Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko lamang ang aking sarili.

Mukha syang takot na takot. Bakit? May allergy ba sya sa mga babae?

"h-hindi mo dapat ginawa 'yun... mas lalo tuloy s-sumakit." Hindi makapagsalita ng maayos na sabi nya.

"umayos ka kasi Tim.." natatawang sabi ko pa. "kanina ka pa ganyan pansin ko. bakit? Kapag kinakausap ka hindi ka makasagot ng maayos, wala ka rin sa focus habang gumagawa ng mga props, tingnan mo ang nangyari sa 'yo.. nasugat ka pa tuloy.. ano ba kasi ang problema?"

Dagdag na sabi ko pa.

Dinig kong bumulong sya habang umiirap ngunit hindi ko iyon naintindihan.

"may sakit ka ba? Sinapian ka ba? Ano? Come back to your senses Mr. Castro ok? Para naman kahit paano maiwasan mo yung mga ganitong insidente." Ang sabi ko habang nilalagyan ng band aid yung sugat sa daliri nya.

"s-salamat." Ang sabi nya habang nakatingin sa akin.

"sige, aakyat na uli ako sa stage, baka kailangan na nila ako." nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Aakyat na sana ako ng stage ngunit nahinto ako ng bigla nyang hawakan ang aking kanang kamay. Napatingin ko sa kanya. napapangiti sya habang nakatitig sa mga kamay naming magkahawak.

Halos manghina ang aking mga tuhod habang pinagmamasdan syang nakangiti at hinahawakan ang aking mga kamay. Napakabili ng pintig ng aking puso.. para itong hihiwalay sa aking dibdib..

Matagal ko nang gusto si Tim. At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Bakit ba nya ito ginagawa? Bakit ba nakakaramdam nanaman ako ng kakaiba? Bakit sobrang saya ko?

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon