IT'S YOU Chapter 102

15 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 102

Nathalie Kim's POV.

"ako na ang bahalang makipagusap kay Mr. Moore tungkol sa bagay na iyan."

Nagmamadali akong lumabas ng classroom. Narinig ko pa syang nagsalita ngunit hindi na ako nagabalang lumingon pa sa kanya.

Huminto ako harap ng classroom nila Lazarus ngunit ang tanging tao nalamang doon ay si Oscar at si Tim. Lumabas sila para kausapin ako.

"oh. Alie." Nakangiting sabi ni Oscar ng makita ako.

"si Lazarus? nauna na ba syang lumabas?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"ah. after reses hanggang ngayon, hindi pa sya nagpapakita sa classroom. Tinawagan namin sya kanina pero nakapatay yung phone nya." ang sagot sa akin ni Tim.

"ha? Nag skip sya ng class? Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yun?" nagaalalang tanong ko sa aking sarili.

Nagmamadali akong tumakbo papalayo sa kanila. Tinawag pa nila ako ngunit hindi na ako nagabalang lingunin sila.

Bumagal ang takbo ko ng makalabas sa building. kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa pathway at lumilingon-lingon sa paligid. Nagbabakasakaling Makita si Lazarus.

Nagmamadali kong kinuha yung phone ko sa bulsa ng aking uniform at denial yung number nya ngunit hindi nya ito sinasagot.

Halos mapahawak ako sa noo dahil sa sobrang pagaalala. Posible kayang may nangyari sa kanya?

Halos malibot ko na ang buong school kakahanap sa kanya ngunit wala parin sya. Hanggang sa mapadpad ako sa mathpark. May naririnig akong umiiyak. Agad kong hinanap kung sino ang naglilikha ng tunog na iyon.

[PLEASE PLAY LET IT RAIN BY: KASSY (IT'S YOU OST PART 6) FOR THIS PART]

Mula sa mga matataas na puno na kinatatayuan ko ay nakita ko si Lazarus hindi kalayuan sa akin. Nakaupo sya sa isa sa mga benches na nandoon. Umiiyak sya. Nakahawak sya sa magkabilang mga tuhod at nakayuko.

Kikilos na sana ako upang lapitan sya at iabot ang aking panyo ngunit tila nahuli na ako.

Nakita ko si Cassandra na lumapit sa kanya at nagabot ng isang panyo. Halos kumirot ang puso ko ng makitang biglang tumayo si Lazarus at yakapin nya ng mahigpit si Caz. Niyakap din nya si Lazarus pabalik.

Matinding selos yung naramdaman ko, yung halos maluha ako habang nakikita silang dalawa sa ganung posisyon. Ilang Segundo din sila na magkayakap.

Pinunasan ni Caz ang mga pisngi ni Lazarus at inayos pa ang gulong buhok nito. huminto sya sa pagiyak at ngumiti sa kanya.

"huwag ka nang umiyak.. maayos din natin ito. Sa ngayon, kailangan mo nalang munang isiping mabuti kung paano mo sasabihin kila Alie yung tungkol sa ating dalawa. Magiging ok din ang lahat ok?"

"m-maraming salamat Caz. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

halos mapakagat ako ng labi habang nakatitig sa dalawa. Sumasakit ang ulo ko at halos wala akong maintindihan sa kung ano ang sinasabi nila. Ano ba yung mayroon sa kanilang dalawa na kailangan kong malaman ganun narin sa mga kaibigan ko?

pinili ko nalamang umalis doon. Naging madali sa akin na umalis dahil hindi naman nila ako nakikita. Gusto kong malaman kung ano ang pinaguusapan nila pero sa tingin ko ay labas ako sa problema nyang iyon. Ngunit ang kinasasakit ng loob ko. of all people bakit si Cassandra pa ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iniiyak nya? b-bakit hindi ako?

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon