IT'S YOU Chapter 68

16 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 68

Nathalie Kim's POV.

Doon palamang nag proseso sa utak ko na si Tim ang tinutukoy nya... hanggang ngayon parin ba ay si Tim ang gusto nya? nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"tulad ng nararamdaman ni Tim sa iyo. ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya. at sa tingin ko ay hindi mo pa nararanasan ang ganoong pakiramdam dahil alam kong hanggang ngayon, Masaya ka kay Lazarus. alam kong kahit hindi pa kayo may pagasa na maging kayo dahil mahal nyo naman ang isa't-isa. At alam kong kahit kailan ay hinding hindi mo mararanasan ang ganoong pakiramdam. Bakit? Dahil ikaw iyan. Maganda ka, matalino, magaling sumayaw, kumanta, mabait, may takot sa Diyos, marami kang mga kaibigan na mahal na mahal ka at hindi ka kayang i-betrayed dahil kahit sila mismo namamangha sa kung ano ang mayroon ka. Kung lalaki nga lang ako. bakit hindi ako magkakagusto sa tulad mo hindi ba? Dapat kang kainggitan... naiingit ako sa iyo... gusto kong maging tulad mo Alie.. paano bang maging ikaw? Ang hirap eh.. gusto kong magustuhan din ako ni Tim kaya gusto kong maging ikaw... kung maari ay mas gusto ko na higit kaysa sa iyo."

Habang sinasabi nya ang mga salitang iyon ay patuloy na sya sa pagluha. Agad ko syang niyakap. Ito lang ang bagay na alam kong magagawa ko para maibsan ang nararamdaman nyang sakit.

Ilang minuto din syang umiyak sa balikat ko habang ako ay ilang minuto din syang niyakap at pinakiramdaman ang mga luha na tumutulo sa mga balikat ko. humiwalay din sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi nya gamit ang panyo na nasa Lap nya. ng kumalma sya ay muli nya akong kinausap.

"aware ka naman na... bago ka nagustuhan ni Tim. Naging kami hindi ba? Sobra akong nasaktan ng hiwalayan nya ako dahil sa iyo. Pero simula noon hanggang ngayon hindi ko parin matanggap yung nangyari. Mahal ko parin sya... masakit sa akin na makitang sa iba sya sumasaya, masakit sa akin na hindi nya ako gusto pero mas masakit sa akin na Makita syang umiiyak kagaya ko dahil lang hindi sya gusto ng taong mahal nya. mas dumoble ang sakit noon sa akin Alie. Kung pwede nga lang na ilgay kita sa sitwasyon ko ay ginawa ko na para malaman mo kung gaano ka-sakit. Hindi deserve ni Tim na umiyak at masaktan ng ganoon."

"a – ano ba ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko na pilit na iniintindi yung mga salitang sinabi nya. naintindihan ko actually, pero alam kong may gusto pa syang sabihin na magkukumpleto sa gusto nyang ipaalam sa akin.

Tumingin sya sa akin. Sa mga mata ko mismo.

"narinig ko yung paguusap nyo kanina... simula una hannggang sa huli.. halos lahat ay narinig at natandaan ko. ofcourse narinig ko din yung.. favor na hinihiling nya sa iyo. Tatanggapin mo ba yung pabor na iyon?.. o hindi?"

"kung ikaw ang nasa sitwasyon ko Daffny, alam kong hindi mo gagawin yung pabor nya. ikaw na rin mismo ang nagsabi na mahal namin ni Lazarus ang isa't-isa... baka nga mamaya kapag nagkita kami ay sagutin ko na sya at maging kami na. kaya malabong mangyari ang bagay na iyon."

"so... hindi mo talaga gagawin?" kunot noo nyang sabi na parang disappointed sa sinabi ko.

"hmm. Narinig mo naman lahat ng sinabi ko sa kanya kanina hindi ba? Hindi ko na dapat pang i-explain sa iyo ang lahat. bakit?..... ang ibig sabihin ba nito.... Gusto mong gawin ang favor nya sa akin?"

Napayuko nalamang sya. "o-oo."

Labis akong nagtaka ng marinig ko ang pag-oo nya mula sa tanong ko. gusto nya si Tim pero gusto nya na maging kami? malabo yata ang bagay na iyon.

"bakit ko naman gagawin ang bagay na hindi ko gusto? Alam kong naiintindihan mo ako kaya huwag mong ipilit ang gusto mong mangyari."

"hindi mo ba naiintindihan? Nasasaktan sya. At masakit sa akin 'yun. Willing akong kalimutan sya para lang sa ikasasaya nya." mahinahong sabi nya sa akin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon