IT'S YOU Chapter 63

18 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 63

Kim Darius's POV.

kasama namin ni Mama na nagtungo sa Police station sila kuya Maurice, ang Mommy nya, si Ate Pretty, kuya Miko at kuya Oscar pati narin ang kapatid kong si Jericho. Napagdesisyunan ni Mama na ilabas ko muna si Jericho habang kinakausap sila ng mga pulis.

May mga benches sa harap ng police station kaya doon muna kami umupo ni Jericho habang hinihintay sila Mama. Binilhan ko sya ng Burger habang naghihintay kami dahil ang sabi nya ay gutom na raw sya.

"kuya."

Nabalik ako sa aking ulirat ng tawagin ako ni Jericho na katabi ko sa pagupo. Kung hindi nya ako tinawag ay hindi ako matitinag sa pagkatulala sa kawalan. Hindi ako nagsalita at hinintay ko lamang na magsalita sya.

"sana... ok lang si ate ngayon... sana hindi sya sinasaktan ng mga kidnappers." Nakayuko nyang sabi habang nakatitig sa burger na may kagat na nya.

"sana nga ok lang sya. At sana mahanap na sya ng mga pulis as soon as possible. Ayaw na ayaw kong nalalagay sa kapahamakan si ate Alie. Ako ang nahihirapan at nasasaktan para sa kanya. ikaw? Ganun din ba ang nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.

Agad syang tumingala sa akin. May luha na sa magkabilang pisngi nito.

"hindi mo na dapat tinatanong ang bagay na 'yan kuya. Syempre, kapatid ko sya.. ganoon lang din ang nararamdaman ko sa iyo. Nagaalala ako sa kanya hanggang ngayon.. kung pwede nga lang na sumama ako sa paghahanap sa mga police upang makatulong ako ay ginawa ko na."

Napa half smile ako habang nakatitig sa kanya. pinunasan nya ang mga luha nya at ngumiti sa akin, yung litaw yung mga mapuputing ngipin nya.

"huwag ka nang masyadong magalala kay ate. Makakauwi sya ng ligtas sa bahay. Nakalimutan mo na ba? magaling sya sa martial arts kayang kaya nyang patumbahin yung mga kidnappers.. instead na magfocus tayo sa mga maaaring masamang mangyari sa kanya. sa tingin ko ay isipin nalang natin na makakaligtas sya, hindi basta-bastang babae si ate."

Kung magisip talaga si Jericho ay iba.. minsan nga ay nahihiya ako dahil kahit mas matanda ako sa kanya ay mas matured syang magisip sa akin.

"tama ka." Nakangiting sabi ko. "masakit manipa 'yun kaya sure akong kayang kaya nyang itumba yung mga kidnappers."

Ngumiti lang sya sa akin matapos ay kumagat sa burger na kinakain nya.

Biglang nag ring yung cellphone ko kaya naman ay agad ko itong kinuha sa bulsa ng slacks ko.

Unknown Number lamang ito, wala akong idea kung sino ang tumatawag na ito pero dahil sa curiosity ay sinagot ko na.

"h-hello?" kunot-noong sabi ko.

"Hi!" mas lalong kumunot ang noo ko ng malamang lalaki ang nasa kabilang linya. Wala akong ibang kilalang lalaki na ganito ang boses. Masasabi kong malaki at nakakatakot ang dinig ko sa pagsasalita nya.

"sino ka ba?" tanong kong muli.

"ako yung mastermind sa pag kidnapped sa ate Alie mo." Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa aking cellphone.

Napatingin si Jericho sa akin at halatang nagtataka na kung sino ba ang nasa kabilang linya. Nilayo ko ang cellphone at bumaling kay Jericho.

"Jericho diyan ka lang ah? May kakausapin lang si kuya importante lang." pilit na ngiting sabi ko kay Jericho. Biglang nagseryoso ang expression nya at pinagmasdan lamang ako. tumango lamang sya at wala ng sinabi pang iba.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon