IT'S YOU Chapter 88

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 88

Prince Lazarus's POV.

[PLEASE PLAY SUDDEN SHOWER BY: YONG JUN HYUNG FT. 10 CM (IT'S YOU OST PART 10) FOR THIS PART]

Nagsimula ng mawalan ng costumers ang restaurant ng mga 11:00 P.M na. kumilos na ang mga staff ng restaurant para linisin ang buong paligid. Ganun din ang ginawa ni Kuya Celso at Alie. Muhang magsasara na sila, matapos nilang malinis ang buong paligid ay pumasok sa loob ng kitchen si Alie at Celso. Nagtagal sila ng halos ilang minuto doon bago tuluyang lumabas. Iba na ang suot ni Alie ng makalabas sya galing Kitchen at wala ng suot na Apron si Kuya Celso. Kinausap pa nila ang mga ka-trabaho matapos ay lumabas na ng restaurant ng sabay.

Napatayo ako ng makitang nakalabas na sila ng restaurant. Madilim sa bandang pwesto kokaya naman malabong mapansin nila ang presensya ko. pinagbuksan ni Kuya Celso si Alie sa kanyang kotse sa bandang passenger seat. Nagusap pa sila ng kaunti bago tuluyang sumakay si Alie sa loob. Nagmamadali namang umikot si Kuya Celso para makasakay sa Drivers seat. Ng makasakay ay agad na pinaandar iyon ni Kuya Celso. Bago pa man sila makalayo ay pumara ako ng taxi at pinasundan sa driver kung saan sila maaaring magpunta.

Nagtagal lang ng ilang minuto ang byahe at ang pagsunod ko sa kanila. Huminto ang kotse sa isang malaki at matayog na gusali. Kaya kinailangan kong ipahinto ang taxi hindi kalayuan sa kanila. Pumaok sa loob ang kotse ni Kuya Celso para siguro ipark ito sa loob.

Bumaba na ako sa taxi matapos magbayad. Halos manghina ang mga tuhod ko ng maalala kung nasaan ako ngayon. Sa building na ito nakatira si Kuya Celso. Nandito ang Condo nya. kug ano – anong thoughts ang pumasok sa aking isipan kung ano ang possible nilang gawin doon. Nagmamadali akong pumasok sa entrance ng building. Agad kong hinanap ang elevator papunta sa itaas ng building. bago ko paman mahanap ang elevator ay natanaw ko na silang dalawa sa entrance ng building. agad akong nagtago sa mga halaman na malapit sa akin.

Tumatawa si Alie habang may sinasabi si Kuya Celso sa kanya. Naiinis ako ng makitang magkahawak sila ng kamay.

Ang kaninang sinabi ni Tim na malabong wala silang relasyon sa isa't-isa ay unti-unti ko nang hindi pinaniniwalaan. Magkahawak sila ng kamay at pupunta sila sa Condo kuya Celso. Wala pa ba silang relasyon sa lagay na iyon? At ano naman ang possible nilang gawin doon? Sa tingin ko ay masisiraan na ako ng ulo sa mga nasasaksihan ko.

Sumakay silang dalawa ng elevator na magkahawak ang kamay. buti nalang at may hoodie ang jacket na suot ko. agad kong cinover 'yun sa ulo ko at mabilis na sumakay sa elevator bago pa man magsara iyon. Maraming nakasakay sa elevator at nasa bandang harap lamang sila. Agad akong yumuko para hindi nila ako mapansin. Nakiraan ako sa mga tao at pumwesto sa bandang likod. Buti nalamang at hindi nila ako napansin. Maiiingay ang mga nakasabay namin sa Elevator kaya naman hindi ko naririnig ang pinaguusapan nilang dalawa.

Maya-maya ay huminto ang elevator sa 15th floor at lumabas na sila Alie at Kuya Celso kasama ang iilang mga tao ng makalabas sila ay agad akong kumilos para sundan sila. Ako ang pinakahuling taong lumabas sa elevator at kauna-unahan naman sila Alie kaya hindi parin nila ako nakikita.

Mukhang tama nga ang aking hinala.vpapasok sila sa Condo ni Kuya Celso. Ilang saglit lamang ay huminto na sila sa isang pinto. Agad akong nagtago sa isang sulok at agad silang sinilip. May pinindot na code si Kuya Celso matapos ay pumasok na silang dalawa doon at hindi ko na ulit nakita pa si Alie.

Para kong pinagbaksakan ng langit at lupa dahil sa nakita ko. hindi ko alam kung bakit kinaya ko pa silang pagmasdan mula sa malayo at sundan hanggang dito kung hindi ko kakayanin. Bakit ba ginagawa ni Alie ito kay Kuya Celso? May relasyon ba talaga sila sa isa't-isa? Kaya ba nilalayuan na ako ni Alie ay hindi lang sya basta galit sa akin kung hindi nakahanap na sya kaagad ng papalit sa akin? Parang ang bilis naman kung ganun?

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon