IT'S YOU Chapter 122

15 2 0
                                    

IT'S YOU Chapter 122

Nathalie Kim's POV.

"ano ka? Sasabay ka sa akin? Pupunta ka sa backstage? Mamaya pa naman ang role play hindi ka pa kailangan don." hindi makatingin ng deretso na sabi ni Pretty sa akin. Mukhang may binabalak nanaman itong hindi maganda.

Napakunot noo ako. "hindi.. hindi ako pupunta sa backstage.. sasabay lang ako sa iyo." Ang nasabi ko nalang habang binabasa ang suspicious nyang expression. Tiningnan ko si Tim at mukhang naguusap silang dalawa ni Pretty gamit ang mga gestures nila.

Tumingin sa akin si Pretty.

"Sa likod ako magdadaan papasok sa backstage. Hindi ka pwedeng sumabay!" sabi pa sa akin ni Pretty.

Lalapitan ko pa sana sya ngunit sumenyas sya na huwag kong gawin 'yun.

"sasabay narin ako kay Pretty. Nakalimutan kong kunin yung wallet ko kay Oscar eh.."

"see you mamaya!" nakangiting sabi pa ni Pretty sabay kindat sa aming dalawa ni Lazarus.

Hindi na ako halos makapagsalita dahil naglakad na sila papalayo sa aming dalawa.

"Hoy! Tim! Nasa akin ang wallet mo!" taas ang mga kilay na sabi pa ni Lazarus ngunit parang wala itong narinig.

Humarap lamang sya sa aming dalawa at nagsalita.

"ayusin nyo muna ang problema nyo bago kayo pumasok sa loob." Sabi pa ni Tim bago tuluyang makalayo silang dalawa ni Pretty sa aming dalawa ni Lazarus.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit ako lamang ang muling nagiwas ng tingin.

Parang may gusto syang sabihin ngunit hindi nya masabi dahil may pagaalinlangan ito sa kanyang expression.

Nakalagay lamang ang magkabilang mga kamay ko sa aking likuran, magkadikit ang aking mga paa at kung saan saan nakatingin.

Sobrang awkward ng sitwasyon. may naguudyok sa aking isip na tumakbo nalang para makalayo sa kanya.. pero may parte sa akin na gusto kong marinig ang nais nyang sabihin. 'Yun ang naging dahilan kung bakit nananatili ang aking mga paa na nakatayo sa kanyang harapan.

"ah.." mukhang hindi nya alam kung saan magsisimula.. nakatingin sya sa kanyang mga daliring kanina pa pinaglalaruan.

Napatingin ako sa kanya ng humakbang sya ng isa papalapit sa aking dereksyon.

"ahm.." pilit syang ngumiti.. "Good luck mamaya sa play.. p-pasok na ako sa loob." Pilit na ngiting sabi nya matapos ay nagmamadaling pumasok sa entrance ng gymnasium.

Naiwan akong nakatingin sa kanyang likuran habang mabilis na naglalakad.

Alam kong hindi ako dapat makaramdam ng kirot sa aking dibdib sa mga oras na ito dahil sa mga sinabi nyang iyon dahil una sa lahat, ako yung lumalayo. Pero bakit parang ang sakit? Siguro dahil nagexpect ako na magsosorry syang muli at hihilingin na bumalik sya sa akin.

Pinilit kong maging ok. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking suot kahit wala naman akong nakikitang mali doon.

Pinilit kong baliwalain ang aking naramdaman at pumasok na sa gym.

Dumating na ang takdang oras para simulan ang program. Sinara na ang pinto ng gym dahil ang halos lahat ay nakapasok na sa loob. Nakaupo narin ang lahat ng mga estudyante at guro sa loob at naghihintay na lumabas ang mga MC sa stage.

Agad kong hinanap kung saan nakaupo sila Darius. Sa kanila ako tatabi dahil busy ang ilan sa mga kaibigan ko. naabutan ko sila na nakaupo malapit sa harap ng stage.. isang linya ng mga bangkuan bago ang sa kanila.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon