IT'S YOU Chapter 117

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 117

Michelle's POV.

Halos mabagsak ang magkabila kong balikat sa aking narinig. Galit ang nangibabaw sa buong sistema ko ngunit pinilit kong huwag ipakita 'yun sa harap ni Tita Kristel.

Ngumiti nalamang ako ng pilit.

"w-wala t-talaga syang sakit?" hindi na halos maitago ng tono ng aking pananalita yung galit na nararamdaman ko.

"oo... ok na ok ang anak ko, nagtaka nga ako kung bakit ayaw nyang pumasok sa school, ang sabi nya wala daw syang gana... mukhang may mabigat ngang pingdaraanan ang anak ko... ayaw namang sabihin kung ano kaya hinayaan ko nalang." Ang sabi pa nya habang nagc-cross arms. Nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"puntahan mo na ang anak ko sa kwarto nya sa itaas, mukhang makakatulong ka sa binata kong iyon kung ano man ang pinagdaraanan nya... matapos nyong magusap ayain mo sya dito sa baba dahil maghahanda ako ng ng potato and chicken stew."

Tumango ako habang nakangiti. "Sige po Tita Kristel."

"ok. Nasa kusina lang ako ha?" ang sabi pa nya matapos ay naglakad na papalayo sa akin at pumasok ng kusina na malapit lamang sa sala sila.

Inis kong hinarap ang hagdan patungong itaas. Nagaapoy ako sa galit sa mga oras na ito, sana lang ay mapigilan ko ang aking sarili na masaktan ang isang 'yun.

"may chicken fox pala ha? Sige... humanda ka sa akin." Inis na sabi ko habang umaakyat patungo sa kanyang kwarto.

Ng makaakyat ako ay kaunting hakbang lamang ang aking ginawa at pinto ng kwarto na ni Maurice ang tumambad sa akin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pito nito.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng pinto ng kanyang kwarto ngunit nahinto ako ng makitang bukas ito at may kaunting uwang na bukas... sakto lamang ang uwang nun upang Makita ko sya na nakaupo sa kanyang kama at nakasandal sa headboard ng kanyang kama.

Nakasuot ito ng kulay white na pajamas na may print na minions, ang pang itaas nito ay sweater na maluwang at over size para sa kanya. gulo gulo ang buhok nito, halos mapakunot noo ako ng makitang may mga tubong balbas sa ibabaw ng kanyang labi maging sa ilalim sa bandang baba nya.

Mahigit isang lingo ko din kasi syang hindi nakita kaya kahit paano ay nanibago ako sa kanyang itsura, simula kasi nung tanggihan ko sya sa date na sinasabi nya ay hindi na sya nagpakita sa akin, minsan nalang sya kung tumawag at magtext.

Aaminin ko na nalungkot ako sa ginawa nya, at oo na! aaminin ko na sobra ko syang namiss. Ganun nga siguro talaga pag mahal mo na ang isang tao... kapag wala na sya sa iyong tabi ay hahanap-hanapin mo na ang kanyang presensya.

Kaya ko naman sya tinanggihan sa date ay dahil sa kadahilangang gusto ko pang mapagisip isip... kung baga kahit paano ay bigyan lamang nya sana ako ng kaunting panahon para tanungin at i-test ang aking sarili kung talagang totoo ang nararamdaman ko para sa kanya.

At nang magdaan ang halos isang lingo, dun ko napatunayan na hindi mali ang aking nararamdaman para sa kanya. gusto ko na sya.. gusto ko kung paano nya ako lambingin sa tuwing nagagalit ako sa kanya, gusto ko yung lagi nya akong sinusundo sa room namin tuwing uwian, gusto ko yung idea na lagi nya akong tinatawagan kahit gaano pa sya ka-busy sa pagaaral dahil nga section 1 sya. Gusto ko ang lahat sa kanya!

So 'yun nga, nakita ko sya na kasalukuyang katabi sa kama nya yung isang aso na pitbull. Maingat nyang hinihimas ang likuran nito habang nakatingin sa kanyang aso. At kinakausap pa nya ita ha? Hindi nya nabanggit sa akin na may aso pala sya?

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon