IT'S YOU Chapter 134 ANG WAKAS

70 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 134

MARAMING SALAMAT SA IYO! ^____^

Nakarating ka hanggang dulo, ibig sabihin ay nagustuhan mo yung pinaghirapan kong Akda na sinulat ko ng halos limang taon.

God bless You! Sana ay magustuhan mo ang Ending.

Patuloy mo pa rin sana akong suportahan sa mga akdang isusulat ko satamang panahon.

Huwag nyo pong kalimutang I-vote, ang bawat Chapters, at I-follow ako sa Wattpad. Ganun din sa facebook at twitter account ko na naka-link sa first page. Huwag po kayong mahiyang i-recommend sa iba ang Story ko na naghahanap ng magandang mababasa sa Wattpad. And PLEASE DOWNLOAD THE OFFICIAL SOUNDTRACKS of IT'S YOU na naka-link sa first page (part 1-11)

Prince Lazarus's POV.

Ang lahat ay bumabati ng Congratulations at best wishes para sa dalawa. Matapos ang mga pasasalamat ng dalawa ay lumapit na sila sa kotse na nasa bandang harapan.

Bago umakay sa kotse si ate ay naiiyak syang lumapit kay Mommy at Lolo Lux upang yakapin ito.

"Lolo... Mom, maraming maraming salamat sa suporta." Umiiyak na sabi pa ni ate Candice sa kanilang dalawa.

Yumakap si Ate kay Mommy. Tinapik naman ni Mommy ang likod nito habang mangiyakngiyak na nagsasalita.

"stop crying anak, masisira anbg makeup mo.. magiingat ka ha? Ayoko ng pasaway may asawa ka na." ang sabi sa kanya ni Mommy.

Sunod nyang niyakap si Lolo Lux.

"huwag ka ngang umiyak dyan na parang hindi na tayo magkikita, bubukod ka lang pero hindi ibig sabihin nun na hindi na tayo magkikita.. mahal na mahal kita apo." naiiyak ding sabi ni Lolo Lux.

Matapos nilang magyakapan ay lumapit sa akin si ate at niyakap ako ng mahigpit. Pinilit kong hindi maiyak.

"ingat ka ate ha? Mahal na mahal kita." Nakangiting sabi ko pa.

"maraming maraming salamat Lazarus.. alagaan mong mbutri si Mom ha? Mahal na mahal ko din kayo." Ang sabi nya habang humihiwalay sa pagkakayakap sa akinh.

Binati pa syang muli ng mga tao sa aming paligid bago sya tuluyang isakay ni Doc Ajax sa kotse. Ng maisakay nya ito sa passengers seat ay nagmamadaling umikot si Doc para buksan ang pinto sa bandang drivers seat. Sumakay na din sya doon at sinara ang pinto.

"aalis na po kami, maraming salamat sa inyo!" nakangiting sabi pa ni Doc Ajax sa aming lahat.

"ikaw na ang bahala sa apo ko." kumakaway na sabi ni Lolo Lux.

"makakaasa po kayo Lolo.." ang sagot pa nito.

Saglit pa silang nagpaalam sa lahat bago sila tuluyang umalis sa aming harapan. Halos lahat kami ay nakatitig sa isang kulay puting kotse na patuloy na umaandar papalayo mula sa aming dereksyon.

Hindi naman nagtagal at unti-unting naglaho ang tao sa aming paligid. hanggang sa ako, si Alie at ang mga kaibigan nalamang namin ang naiwan sa mismong venue. Syempre pwera sa mga staffs na nagaayos at nagliliis ng mismong ginanapan ng event.

"paano ba 'yan? Ngayon nalang din ulit tayo nagkita-kitang lahat? siguro naman may magaganap na inuman at selebrasyon mamaya?" napapangiting sabi ni Oscar habang nakaakbay kay Pretty.

"parang gusto ko 'yan?" excited na sabi ni Michelle na nasa tabi ni Maurice.

"tsk." Napapairap na usal ni Maurice. "para namang umiinom ka? magtigil ka nga." Inis na sabi pa nito.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon