IT'S YOU Chapter 60

21 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 60

Prince Lazarus's POV.

"sa ngayon ay hindi pa pwede dahil nasa ibang bansa si Mr and Mrs. Castro. Kasalanan ko din ito. kung sana ay naging maagap ako ay hindi sya makakaranas ng ganyan."

Castro? Lovy? Sino bang tinutukoy nila? At isa pa bakit kamukhang kamukha nya ang daddy ko? May kilala ang Kei yun yung grade 11 student na classmate ng kapatid ni Alie. Pero... Castro din ang apliyido non dahil kapatid sya ni Tim. Possible kayang sya ang tinutukoy ni Mommy at ate? At bakit naman nadamay pa si Daddy sa usaapn nilang iyon?

"sa bagay, hindi natin basta-basta pwedeng kunin si Kei ng basta basta nalang ng walang consent ng family Castro. Nga pala, bakit ba nasa ibang bansa ang sila ngayon?" tanong ni ate.

"ang alam ko ay sa US isasagawa yung surgery ng anak nila. Si Tim Tim hindi ba 'yun yung kaibigan ni Lazarus?" tanong pa ni Mommy habang tinitingala si ate. Tumango naman si ate habang umuupo na muli. Nahinto naman na sa pag iyak si Mommy.

Napahalf-open ang labi ko ng malamang totoo ang aking hinala. Mas lalo akong naguluhan kung bakit ganoon nalamang ang reaksyon ni Mommy. Ano bang mayroon kay Kei at sa family nila?

"please mommy gusto kong bawiin mo na si Kei sa pamilya nila kapag nakabalik na sila dito sa bansa. Gusto ko talagang maranasan na magkaroon ng kapatid na babae. Kung nalaman ko lang talaga ito noon pa ay ako na mismo ang kukuha sa kanya."

"sorry. Ngayon ko lang nasabi sa iyo."

Napakunot noo ako sa sinabi ni ate. Gusto nyang maranasan na magkaroon ng kapatid na babae? At bakit naman nila babawiin si Kei sa pamilya nila Tim?

May nabubuo akong prediction sa utak ko. sobrang bilis ng tibok ng puso ko. kung totoo man ang hinala ko. sobrang liit naman ng mundo para sa aming lahat. ang akala ko ba ay nasa new Zealand ang anak ni Daddy kay Tita Rachelle? Isa pa. nasabi na sa akin ni Tim noon na hindi nya tunay na kapatid si Lovy.

Kung ganoon. Si Lovy ay ang kapatid ko sa Ama?

Agad akong nagtungo sa kanila. umupo ako sa tabi ni ate habang hindi parin makapaniwala sa naiisip ko.

Agad na umayos si Mommy ng upo at pinunasan pa ng tissue ang mukha nya.

"gising na pala ang anak ko. kumusta ang tulog mo?"

Nakangiting tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. gulat parin ako at sobrang hindi makapaniwala.

"si Lovy po yung kapatid namin ni ate kay Daddy?"

Napahinto si ate sa pagkain at biglang napatingin sa akin. Nawala din ang ngiti ni mommy sa akin.

"Son, I'm sorry hindi ko sinabi sa 'yo." Nalulungkot na sabi ni Mommy habang hawak ang balikat ko.

"narinig mo kami?" takang tanong pa ni ate. Tumango lang ako sa kanya at bumaling na kay Mom.

"ok lang Mom. H-hindi lang ako makapaniwala na sa Joongdong din pala nagaaral yung kapatid ko. hindi ko alam na yung babaeng halos makasalubong ko lang lagi sa hallway ay yung kapatid ko pala."

Muli kong inalala yung mukha ni Daddy. Walang ano-ano ay napangiti ako bigla at nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"at tama kayo mom. Kamukha sya ni Dad. Gusto ko na syang Makita ngayon Mom." Excited na sabi ko. ngunit sa kabila ng mga ngiting naiguhit sa labi ko ay agad din iyong nawala ng maalala ang sinabi ni Mommy kanina. Agad akong tumingin kay Mommy.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon