IT'S YOU Chapter 22

21 0 0
                                    

IT'S YOU Chapter 22

Nathalie Kim's POV.

"nakikiusausap ako sa iyo. Wag kang mag kunwaring hindi mo kilala ang boyfriend ko. alam kong babaero si Lazarus, at marami na syang nilalapitang babae habang kami pa. masakit 'yun para sa akin so please, wag mo naman sanang ipilit ang sarili mo sa lalaking may Girlfriend na."

Napakunot ang noo ako sa sinabi nya.

"ano ba ang sinasabi mo Cassandra? Hindi kita maintindihan. Hindi ko kilala ang Boyfriend mo. Sana sapat na iyon na dahilan para 'wag mo akong pagselosan sa kanya dahil inuulit ko. Hindi ko sya kilala. wag mo naman sana akong pagbintangan." Seryosong sabi ko sa kanya. napairap nalang sya sa hangin.

"hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin at isa-isahin sa harap mo ngayon yung mga oras na magkasama kayong dalawa ng Boyfriend ko, dahil alam kong alam mo 'yan sa sarili mo, tinatanggi mo lang kasi for sure na may gusto ka sa kanya. Kung ayaw mong lumala ang tension sa pagitan nating dalawa, habang maaga pa ay layuan mo na si Lazarus. Mapangit tignan sa babae ang nagpapapansin sa lalaking may girlfriend na. maganda ka, 'wag mo naman sanang I-disappoint yung mga taong nasa paligid mo."

Maglalakad na sana sya papalayo sa akjin ngunit napahinto sya dahil sa mga sinasabi ko.

"hindi ko talaga alam kung ano ang mga sinasbi mo, baka kamukha lang ako ng babaeng lagi mong nakikitang kasama ng Boyfriend mo." Kahit gulong gulo ang isip ay pinili ko paring ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Lumingon sya sa akin. Mataray parin ang expression nito.

"hindi naman ako bulag para hindi malamang ikaw iyan Nathalie... yung COEX Mall? At sa.... Timber House Park Hyatt. Tsk. Plese wag ka ng magpaliwanag pa dahil ako mismo ang nakakita."

COEX Mall? Timber House Park Hyatt? Ano ang ibig nyang sabihin?

"heto ba ang dahilan kung bakit mo inutusan ang mga fans club nyo na pahirapan ako?"

"oo tama ka, pero hindi lang naman iyon ang naging dahilan ko. si Tim... kaya nag break ang bestfriend ko at si Tim ay dahil din sa iyo. Sana naman ay maging aral na sa iyo 'yun para layuan mo silang dalawa, kapag hindi ka pa tumigil sa pagiging leech mo asahan mong mas magiging malala pa ang mangyayari sa iyo."

Pagbabanta pa nito matapos ay tuluyan ng lumabas ng gym.

Gusto ko pa sana syang kausapin at pilit na ipaliwanag sa kanya na hindi ko naman talaga kilala ang Boyfriend nya pero ayaw nyang makinig sa akin. Kilala ko si Tim. At naniniwala akong kaibigan lang ang turing nya sa akin, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako ang naging dahilan ng break up nila ni Daffny na bestfriend nya. at ang mas lalong gumulo sa isip ko ay yung binibintang sa akin nitong si Cassandra. Hindi ko talaga kilala ang Boyfriend nya. maaring kilala ko ito sa pangalan ngunit hindi sa mukha. Paano kami magkakasama kung hindi ko naman sya killa hindi ba?

"Nathalie!"

Napalingon ako sa entrance ng Gym kung saan nanggaling ang dereksyon ng boses. Si Tim pala. Tumatakbo sya papalpit sa akin.

"ang sabi sa akin ni Pretty ay hindi na daw sya makakasabay sa iyo ngayon na mag lunch... ahm... m-marami daw kasi silang ginagawa ni Oscar sa Office kaya dun nalng daw sila magl-lunch."

Sabi nya matpos makalapit sa akin.

"t-teka bakit ganyan ang mukha mo? Bakit ka nakabusangot?"

Napatingin sya sa exit ng gym kung saan ako naktingin ngayon.

"n-nagkausap ba kayo ni Cassandra?" nawala ng ngiting sabi pa nya. Tumango nalang ako habang nakatingin parin sa entrance ng Gym kung saan lumabas si Cassandra.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon