IT'S YOU Chapter 49

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 49

Tim Tim's POV.

"makulit ka talaga." napahinto ako sa ginagawa ko ng may magsalita mula sa likod ko.

Agad akong lumingon mula sa aking likod at nakita ko si Kei na galit na galit na nakatingin sa akin habang naka-cross arms.

"kuya naman. Kapag nalaman nanaman nila Mommy 'to. Lagot ka nanaman sa kanila!"

Halos hindi ko na naintindihan pa yung sinabi nya dahil sobrang sakit na ng puso ko. halos mabitawan ko ang bolang hawak ko at mapaupo nalamang sa sahig habang hawak hawak ang dibdib ko.

"KUYA!" napasigaw nalamang na sabi ni Kei habang lumalapit sa akin.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at iniangat nya yung mukha ko. nagkatinginan kami.

Nanlaki ang mga mata nya habang nakatitig lamang sa akin.

"a-ang putla putla muna!"

Agad nya akong tinayo at inalalayan.

Hindi na ako nakapaglakad pa ng maayos dahil sobrang sakit na talaga. kahit si Kei ay hindi narin ako kayang alalayan pa ng bigla nalamang akong matumba. Napapapikit nalamang ako sa sakit.

"KUYA!!! KUYA!... HINTAYIN MO AKO DYAN HA? TATAWAGIN KO LANG SILA YAYA..."

Agad syang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Pinipilit kong tumayo ngunit hindi ko talaga kaya dahil ang sakit sakit na ng dibdib ko.

Sunod ko nalamang na namalayan ay nakahiga na ako sa kama sa loob ng isang kwarto sa Ospital. Medyo naging maayos na ang pakiramdam ko ng asikasuhin ako ng Doctor at iilang mga nurse.

kung ano-anong apparatus ang nakakabit sa akin. Hindi ko talaga gusto ang ganito. Agad na pumasok ang aking mga magulang bakas sa kanilang mga mukha ang labis na pagaalala. Hindi na bago sa akin ito dahil sa twing dinadala ako dito sa Hospital laging ganyan ang mga mukha nila. Sunod na pumasok ay si Kei na nakayuko lang. Siguro ay napagalitan nanaman sya nila Mommy. Si Daddy ay naka suit pa, mukhang galing pa ito sa trabaho at mukhang biglaan lamang ang punta dito.

Agad nilang hinarap si Kei na ngayon ay nasa tabi na nila. Nakayuko parin ito. Galit syang tinitigan ni mommy.

Isang malakas at may tunog na sampal ang ginawa ni Mommy sa kanya. halos mapaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa gulat.

"Mommy?" galit na sambit ko sa kanya. tumingin lamang sya sa akin matapos ay binaling na ang atension kay Kei na ngyon ay nakayuko lang talaga.

"hindi ba sabi ko sa iyo na bantayan mo si Tim? Pero ano ang ginawa mo? Hinayaan mo syang magpagod! Kung binantayan mo sya hindi mangyayari ito!" galit na sabi ni Mommy sa kanya habang tinuturo pa ito.

"p-pasensya na po." Nasabi nalamang ni Kei sa kanila habang nakayuko parin. Halatang umiiyak na ito dahil sa basag na tono ng boses nya.

"alam mo naman na sa tuwing wala kami sa bahay ay ikaw ang bahala sa kuya mo. Ano ka ba naman Kei? Ilang beses na ba itong nangyayari? Ha? Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at hindi mo man lang sya nabantayan?" halatang nagpipigil naman ang galit na sabi ni Daddy sa kanya.

"M-MOM.. DAD. Hindi sya yung may kasalanan dito. Ako."

Mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin si Mommy. Agad syang umupo sa tabi ko at hinimas-himas pa ang noo Lo.

"ok ka lang ba anak? May masakit pa ba sa iyo?" nagaalalang tanong nya sa akin.

Hindi ko nalamang sya pinansin at muling tumingin kay Kei.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon