IT'S YOU Chapter 96

13 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 96

(PAALALA! MASESELANG MGA SALITA CONTENT, BAWAL GAYAHIN.)

Nathalie Kim's POV.

Imbis na sagutin sya sa tanong ay dumeretso nalamang ako ng upo sa aking upuan at huminga ng malalim.

"Caz what are you talking about? Don't tell me na pinagbibintangan mo nananaman si Alie tungkol sa sitwasyon natin ngayon?" may inis na tanong sa kanya ni Lazarus.

"Guys! Bakit ba ayaw nyong maniwala sa akin? Totoo ang lahat ng sinasabi ko... hindi ako nagsisinungaling sa inyo, sa tingin nyo ba ay magsasalita ako dito ngayon ng walang sense? Uulitin ko... si Alie at Mr. Moore ang may pakana ng mga threat na natatanggap namin ni Lazarus. Maaaring isa sa kanilang dalawa si The Laughing mask. Ngayon, i-explain mo sa kanila kung sino ka talaga at bakit mo ginagawa ang bagay na ito sa aming lahat.. Nathalie Kim." Mataray na sabi pa ni Cassandra.

"kilala namin si Nathalie more than you, kaya there is no way para mag-aksaya ng oras si Alie sa mga ganung klase ng kalokohan." Medyo naiinis ng sabi ni Oscar sa kanya.

"Ha!" galit na usal ni Cassandra. "bakit ba hirap kayong paniwalaan ako? may proweba ako, si the laughing mask ay maaring si Alie or si Mr. Moore." Annoyed na sabi pa nya.

"oh? Bakit naman nadamay si Mr. Moore sa kalokohan ni The Laughing mask? Teacher 'yun in the first place kaya kahit sino man ang makarinig sa 'yo iisipin nilang nababaliw ka na." napapairap sa kawalan na sabi pa ni Pretty.

"Nakakainis!!" sabi ni Cassandra. "Be thankful sweetie! Kung hindi lang ako nakatali sa kinauupuan ko ngayon I maybe even slap your face." Mataray na sabi ni Cassandra.

"Huwag na nga kayong magtalo dyan! Kailangan na nating umisip ng paraan para makaalis sa loob ng bus na ito!" galit na sigaw ni Tim. Natahimik ang lahat. "maaaring nandyan lang sa paligid yung bus driver at minamanmanan tayo, o maaaring iniwan na nya tayo dito at sa mga oras na ito ay papunta na si The Laughing mask para patayin tayong lahat.. kung magsisisihan tayong lahat dito at walang gagawin, mamatay tayong lahat."

Tumingin ako sa paligid. "kung meron lang sanang matulis na bagay na pwede naming magamit para matanggal ang tali.." napapaisip na sabi ko sa aking sarili.

Tumingin ako sa bawat sulok ng area.. sa mga ilalim ng kanilang kinauupuuan, maging sa mga bintana at kurtina ng bus..

"Alie." Narinig kong bulong sa akin ni Lazarus. Napatingin ako sa kanya.

"mukhang may nakita na ako." napakunot noo ako sa sinabi nyang iyon. Napatingin syang muli sa ilalim ng upuan ni Tim sa bandang kaliwa namin. May nginuso sya sa ilalim nun kaya naman salubong ang kilay na sinundan ko lang ang gusto nyang ituro.

Sa ilalim ng bangkuan ni Tim, nakita ko ang patalim na dala ng bus driver kanina, maaaring napunta iyon doon sa ilalim ng mabitawan nya iyon kanina.

"Hey! Everyone listen up. May kutsilyo sa ilalim ng upuan ni Tim, kailangan may makakuha nun para makalas ang mga tali natin." Ang sabi ni Lazarus sa lahat.

"B-But how? Nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa natin." tanong ni Oscar.

"susubukan kong tumayo, kukunin ko 'yun tapos tatanggalin ko ang tali niyo, kailangan lang nating maging maingat." Ang sabi ni Lazarus sa aming lahat.

hindi naman nakagapos ang tali sa katawan namin kasama sa bangko kaya magiging madali lamang ang pagtayo, ngunit ang paglalakad ay mahirap dahil magkadikit ang mga paa ng bawat isa. Pwedeng kunin 'yun ni ni Tim ngunit mahihirapan sya dahil sa sugat sa kanyang binti.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon