IT'S YOU Chapter 83

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 83

Nathalie Kim's POV.

"ate, may plano ka ba? Hindi tayo pwedeng magpaglaboy-laboy dito sa kalye ngayong gabi." mahinang tanong sa akin ni Darius.

Kanya kanya kaming bitbit ng mga maleta at iilan pang mga malalaking bag. Halos lahat ng mga dapat na dalhin namin ay dinala namin. Mabagal naming tinatahak ang daan na halos wala ng mga taong dumaraan dahil gabi na, ingay lamang ng mga sasakyan ang tanging naririnig namin sa kabilang highway. May mga ma-ngilan ngilang tao parin naman ngunit mabibilang lang namin.

Napapakamot lamang ako ng ulo habang nakatingin kay Darius.

"teka lang, susubukan kong tawagan si Pretty, papakiusapan ko na dun muna tayo magstay ngayong gabi sa bahay nya, tutal magisa lang naman sya dun." Sabi ko habang dinudukot yung phone ko sa bulsa ng aking jeans.

Agad kong tinawagan si Pretty at agad naman nitong sinagot ang tawag ko. ng mapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon naming magkakapatid ay agad naman nya akong naintinduihan.

"talaga? naku! Maraming salamat Pretty, maaasahan ka talaga." masayang sabi ko sa anya.

"ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi kita tutulungan sa oras ng pangangailangan mo 'di ba? Sige, hintayin nyo ko dyan sa bus stop, susunduin ko kayo ok?"

"maraming salamat ha? Sige hihintayin ka namin."

Nakahinga ako ng maluwag matapos tawagan si Pretty, bakas din ang saya ni Jericho at Darius ng marinig ang paguusap namin ni Pretty.

"buti nalang mabait si ate Pretty." Masayang sabi ni Darius.

Tulad ng sabi ni Pretty ay hinintay namin sya sa pinakamalapit na bus stop kung nasaan kami, hindi nagtagal ay dumating ang kotse na kulay asul na sya ang nagd-drive. Tumulong pa sya sa pagpasok ng mga gamit namin sa sasakyan nya matapos ay nagtungo na kami sa bahay nila.

"kung matagal mo ng sinabi sa akin ang bagay na ito eh sana nagawan pa natin ng paraan, sana napahiram kita ng pera para hindi nangyari 'to sa inyo. Tingnan mo ngayon, eh paano pala kung wala ako? saan ka hihingi ng tulong?" medyo inis na sabi pa ni Pretty sa akin.

Alam kong naiinis sya dahil hinayaan kong hindi nya malaman ang tungkol sa bagay na ito.

"sorry na. nahihiya kasi talaga ako sa 'yo."

"tss. Akala ko ba no secrets? Alam mo namang always lang akong nandito para sa 'yo, huwag mo na ulit uulitin na maglilihim sa akin ng mga ganitong klase ng problema mo ha? Malilintikan ka talaga sa akin Nathalie. Tingnan mo!? Nadamay pa ang mga kapatid mo." Pagr-rant nya.

"sorry na, alam mo hindi ako sanay na ganyan ka." pinipilit na hindi matawang sabi ko sa kanya.

"we are sisters na no, kung may masamang mangyari sa iyo ay malaki ang epekto nun sa akin." Napapangiting sabi nya.

"thank you sis." Pabulong na sabi ko ssa kanya. natawa lamang sya habang nakatingin sa daan, samantalang sila Jericho at Darius ay tahimik lamang sa likod at pinakikinggan ang mga paguusap namin.

"alam na ba 'to ng Papa mo Alie?"

"sasabihin ko sa kanya kapag tumawag sya bukas, ayoko namang tawagan sya kanina ng ganun ang sitwasyon namin na pa-gala-gala sa kalye, magaalala 'yun ng sobra. Mas mabuting tawagan ko sya kapag alam kong solve na yung problema."

"nalaman ni Mommy yung tungkol sa iyo at ng mga kapatid mo, ka-video call o kasi sya kanina mula Europe, ang sabi nya doon daw muna kayo magstay sa bahay habang wala pa kayong matutuluyan, willing din naman ako dahil wala akong kasama sa bahay."

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon