IT'S YOU Chapter 29

17 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 29

Cassandra Kate's POV.

2 weeks later....

Bukas na nga pala ang pageant ngunit wala parin akong naiisip na paraan para mapatalsik si Nathalie sa Pageant. Ano ba ang pwede kong gawin? Kinusap ko si Daddy para tulungan ako sa bagay na iyon ngunit ang tanging sabi nya lamang sa akin ay wala syang makitang dahilan para gawin ang bagay na iyon kay Alie.

Ang tanging dahilan ko lamang kaya gusto kong gawin ang bagay na 'yun ay dahil... natatakot ako na baka sya ang magwagi sa pageant bukas. Magaling sya, at hindi ko maitatanggi ang bagay na iyon kaya naman ganoon nalamang ang takot ko na baka sya ang manalo.

Isa pang gumugulo sa aking isipan ay ang Boyfriend ko. pansin ko this past few days halos mawalan na talaga sya ng oras sa akin. Ano nanaman kaya ng pinagkakaabalahan nya? I mean.. sino kaya ang pinagkakaabalahan nya? miss ko na talaga sya. Ano kaya kung ayain ko sya na lumabas ngayon since mamaya pa naman ang practice ng talent ko para sa pageant?

Pero wait.. parang ang pangit naman kung ako pa mismo yung pumunta sa bahay nya at yayain na mag-date kami.. syempre babae ako... ano kaya kung sya na lang ang mag-punta dito?. Pero sa bagay hindi ko pa naman nagagawa ang magpunta sa bahay nya para yayain syang lumabas.

Ano bang gagawin ko?. Eh hindi ko naman pwedeng hindi sya Makita ngayong araw... hindi ko kaya IKAMAMATAY KO!

Tatawagan ko nalang siguro ng mga kaibigan ko para hingin ang payo nila.

Nagsimula akong tawagan si Daffny. At agad naman nyang sinagot ang tawag ko.

"yes? Caz napatawag ka?." Bungad nya sa akin.

"pupunta ba ako?"

"saan?"

"Daff. What do you think? Ano ang mas maganda. Yung baabae yung pupunta sa bahay ng lalaki para yayaain yung boy na makipag-date oh yung lalaki yung pupunta para yayain yung babae na mag date?"

"at bakit mo naman naitanong 'yan?"

"eh.. si Lazarus eh, hindi man lang nagt-text kahit tawag o kung ano man. Hindi man lang sya magyaya ng date sa 'kin, gusto ko pa naman syang makasama ngayon, weekend pa naman, obligasyon nya 'yun bilang boyfriend ko 'di ba?"

"Caz, I think yung lalaki yung pupunta sa bahay ng babae. Hello? Ka-babae mong tao ikaw ang mismong pupunta dun sa bahay nya para yayaing mag date..ang pangit tingnan."

"eh?.. ok.. thanks."

Tapos nun ay si Rea (Andrea.. nickname nya yung Rea.) naman yung next na tinawagan ko.

"hey!" Agad nyang sagot sa akin.

"Rea what do you think, ano ang mas maganda, Yung baabae yung pupunta sa bahay ng lalaki para yayaain yung boy na makipag-date oh yung lalaki yung pupunta para yayain yung babae na mag date?"

"I think Caz, kung ano yung talagang nananaig d'yan sa puso at damdamin mo 'yun ang sundin mo, ano ka ba?. Hindi na dapat pang tinatanong 'yan. Kung ano sa tingin mo yung tama as long as wala ka namang nakikitang mali o masama, gawin mo."

Agad nyang sagot sabay hung up. Siguro ay busy kaya mainit nanaman ang ulo.

Tatawagan ko na sana si Michelle kaso naunahan nya ako.. tumawag agad sya sa akin matapos naming mag usap ni Rea. Bakit naman kaya?. Agad kong sinagot ang tawag nya.

"oh?. Mich—"

"hello Caz?!. No kasi ahm.. May kailangan kang malaman.."

Pagpuputol nya sa dapat kong sasabihin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon