IT'S YOU Chapter 36

20 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 36

Nathalie Kim's POV.

"mamaya na natin pagusapan mahirap na baka Makita pa tayo ni Mrs. Puncho palabasin pa tay—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may eraser ng blackboard na nag-landing sa lamesa ko. Napatingin lahat sa akin...

"Ms. Dela Cruz! Ms. Steele! GET OUT!!!!! NOOOOOOWWW!!" galit na sabi ni Mrs. Puncho habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Pero Mrs. Puncho?---"

Sabay pa kami ni Pretty nyan.

"OOOUUUTT!!"

Mabilis naming inayos ni Pretty ang mga gamit namin at natatarantang sinukbit ang Bag. Mabilis kaming naglakad ng nakayuko paalis ng room.

At ngayon nandito na kami sa gilid ng field at nakasalampak sa Bermuda grass sa ilalim ng puno.. walang gaanong estudyante na nakakalat dahil nga class hours palang... maganda narin na pinalabas kami... at least dito sa field makakapagrelax ako. Ang sarap kayang titigan yung mga Bermuda grass sa di kalayuan... puro green! Nakakawala ng sakit sa ulo.

"so tell me, ano ang nangyari at bakit ka na late?"

Sabi ni Pretty habang nakatingin lang sa gitna ng field habang kumakain ng Chips... paburito nya 'yan eh.

Sumandal ako sa puno at tumingin lang sa malayo.

"si Cassandra."

Napatingin naman sya sa akin.

"bakit? May ginawa nanaman bang kalokohan? Hindi mo inupakan?"

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"hindi. Ibang Casandra yung tinutukoy ko.... "

Napakunot noo nalang si pretty ng tinggnan ko sya.

"medyo weird kasi sya parin 'yun... pero ibang pagkatao nya yung nakausap at nakita ko kanina..."

Nakangiti ako habang binabalik ang tingin ko sa field.

"nac-confused na ako sa mga pinagsasabi mo." Sabi nya habang humihiga sa mga Bermuda grass at ipinatong pa ang bag nya sa ulo nya bilang unan habang kumakain.

"hindi sya masama. Mabuti syang tao. Masyado lang sigurong O.A yung mga tao sa paligid nya kaya kung ano ano na ang mga sinasabi nila tungkol sa kanya. heto namang mga tao, mas pinapaniwalaan yung mga naririnig nila.... Hindi nila alam kung ano yung totoo. Wala silang alam."

Umupo si Pretty hindi kalayuan sa akin... nagtataka na sya. Inihagis nya sa akin yung chips na kinakain nya na kaagad ko namang nasalo na mayroon pa namang laman tsaka kumuha ulit sya ng isa sa bag nya para kumain ulit.

"nagugutom ka lang siguro kaya kung ano ano na ang mga pinagsasabi mo dyan, mas mabuting kumain ka nalang para naman magising ka. Tutal hindi ka naman nakapag miryenda kanina."

"hindi ako gutom, pero salamat parin dito"'

Sabi ko sabay kain sa binigay nyang chips. Tumabi sya sa akin at sumandal din sa puno.

"i-kwento mo nga kung ano yung nangyari sa inyo ni Caz kanina... bago pa ako mamatay sa sobrang pagkataka dito."

Natawa naman ako sa sinabi nya matapos ay nagkwento na tungkol nga sa nangyari kanina... yung detalyado talaga para wala syang masabi...

"HUH? SERYOSO? FRIENDS? AS IN TRUE FRIENDS? ALIE? ALIEN KA BA?"

Napakunot noo naman ako sa naging reaksyon nya... hinintay ko lang ang susunod nyang sasabihin.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon