IT'S YOU Chapter 33

16 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 33

Pretty Lalaine's POV.

At 'yun nga nagstart nanaman kaming maglakad papuntang gym. At habang naglalakad kami, ako nasa likod lang ng tatlong unggoy, masyado na akong na-o-out of place sa pinaguusapan nila... DOTA! Nakakainis, hayaan nyo, magaaral akong mag DOTA para sa susunod hindi ako m-OP sa kanila.

Maya-maya lang lumingon sa akin si Oscar, inirapan ko lang sya pero nginitian lang nya ako. Hindi naman nagtagal tumabi sya sa akin habang naglalakad kami.

"out of place?" Tanong nya.

"hindi, nakakarelate nga ako eh.." Pamimilosopo ko.

"naglalaro ka?" amazed na tanong pa nya. hindi ba nya nahalatang sarkastiko ang pagkakasabi ko?

"Dun ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Babe naman eh?"

"kung hindi lang talaga masamang pumatay siguro matagal ka ng pinaglalamayan." Bulong ko.

"talaga gagawin mo sakin 'yun?" narinig nya pala ang bulong ko.

"gusto mo ba?"

"ok lang, ikaw naman yung papatay sa akin eh. Atleast Masaya ako pag namatay."

Nakangiti pa nyang sabi habang inilalagay yung dalawang palad sa batok nya.

Imbis na patulan ko pa ang mokong mas minabuti ko nalang na manahimik.

"para mas mapadali yung paghahanap natin maghiwa-hiwalay nalang tayo guys, kayong dalawa ni Oscar ang maghanap dito sa building kami naman ni Tim doon sa Gym, ok ba 'yun?"

Sabi ni Lazarus sa akin.

"Sige ok sa akin 'yan Bro." Sabi naman ni Oscar sabay apir pa kay Lazarus.

"sige na, pupunta na kaming Gym.. Babye!"

Pagpapaalam pa ni Tim habang naglalakad na sila papalayo sa amin ni Oscar.

Ilang beses na ba naming inikot ang kabuuan ng school building? bakit kailangang ulitin pa namin ni Oscar ang paghahanap dito?

wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa asungot. Bumalik kaming muli sa building at Naghanap kami ng naghanap sa buong school building hanggang sa nakarating na kami sa 5th floor,

"Pagod na ako kakaakyat, pahinga nga muna tayo pwede ba?"

Pagmamakaawa sa akin ni Oscar habang hinihingal pa.

"sira ka ba? Hindi pwede noh. Malapit nang mag—"

Napahinto ako sa sasabihin ko ng may isang grupo ng mga kalalakihan ang naglalakad pababa ng 5th floor at galing sila ng rooftop. Apat sila, Ang lalakas ng tawanan nila kaya mabilis na naagaw ang atensyon namin sa kanila.

Agad namang lumapit sa akin si Oscar at bumulong.

"Babes, 'di ba sila yung gumulpi kay Tim noon? Sila Brandon at yung mga kaibigan nya?"

Tama si Oscar sila yung mga lalaking nangbugbog kay Tim noon nung tinulungan pa sya ni Alie.

"Grabe nakakatuwa yung babae na 'yun. Di man lang umubra sa atin."

"for sure madi-disqualify na sya ngayon sa Pageant."

Sabi pa ng dalawa sa kanila, bigla akong kinabahan sa mga sinabi nila.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon